“O-OKAY lang. Hectic pero fulfilling.”Na totoo naman. Walang araw na pinipili ang pagiging alkalde ng bayan pero kahit ganoon ay ramdam niya na nakapagbibigay ng tulong ang kanyang trabaho sa mga kababayan. Siguro nga, tama ang kanyang ama na namana niya rito ang pagiging public servant at ipinanganak siya para makatulong sa kapwa. Mahirap, masalimuot, maraming problema pero kinakaya. At sa totoo lang, kung bibigyan ng isa pang pagkakataon ay pipiliin pa rin niya ang maging mayor ng San Quentin.“Ikaw, kumusta? Kailan ka dumating?” balik niyang tanong kahit pa nga alam na niya ang sagot doon. Para ano pang assistant at kaibigan niya si Mikee kung hindi rin niya malalaman ang latest sa kanilang lugar?“Kaninang umaga lang. Mabuti nga, nakaabot ako dito ngayon.”“Ikaw lang? H-hindi mo kasama si…” “Donna?” dugtong nito sa tanong niya. “Nagpaiwan siya sa Glendale,” dugtong pa ni Kristoff, iiling-iling. “Well, to be honest, we’re kind of going through a rough patch. Actually, she’s again
Last Updated : 2026-09-07 Read more