LOGINSI Savannah ang unang bumitaw, habol ang hininga. Medyo nag-smudge na rin ang lipstick niya pero parang wala siyang pakialam. She’s just a little too high on gin and a lot too drunk on Zach, who just stood there, his chest rising and falling na tila kagagaling lang sa marathon. “Okay,” she gasped. “That was-”“A mistake?”“Breathtaking,” pagtatama niya. “Pero yes, it’s very stupid as well.”Mula sa di kalayuan, nakita ni Savannah ang ilang mga alkalde ng ibang lungkod. “Oh. God. Come on, do’n tayo,” bulong niya, sabay hila ng kamay nito hanggang sa makarating sila sa likod ng naglalakihang halaman. Mula roon ay naglakad sila hanggang sa greenhouse na tanging tunog lamang ng kanyang heels ang maririnig.“Nagtatago ba tayo?”“Hindi. Umiiwas lang tayo sa...legal consequences,” bulong niya.Halos sabay sila ni Zach na sumandal sa salaming dingding ng greenhouse, magkatabi. “Did you mean it?”She turned to him. “Ang alin?”“’Yung tawag. Na kailangan mo ‘ko.” Mababa na ang boses nito, na
“OKAY ka lang, Sav?” bulong ni Mikee habang tinitingnan ang namumula niyang mukha hanggang sa mga labi, na ramdam pa rin ang mainit na halik ni Zach.“Okay lang,” sagot niya, at mabilis na inubos ang natitira niyang wine. From the corner of her eye, she could see Zach weaving through the crowd, now effortlessly charming everyone from the bartender hanggang sa councilors of the nearby town.Hindi niya dapat pinapanood ang bawat nitong galaw pero paano niya iyon pipigilan kung ganoon ito ka-guwapo?“Hinalikan mo siya,” bulong ni Mikee, bilog na bilog ang mga mata. “Sav, hindi ka man lang nagkunwari na ayaw mo, girl!”“Nagulat ako, okay?”“Nagulat? Kaya ka ba napa-ungol?”“A-ano?”Tumangu-tango si Mikee na parang pari sa confessional. Napailing na lamang siya at tumalikod – only to crush into a firm chest.“Hi,” bati ni Zach. “Ikinuha kita ng tubig.”Napatingin siya sa hawak na baso ng binata. “Wow, you really know how to seduce women, huh.”Lumapit ito sa kanya at bumulong. “Pampawala
SAVANNAH should be enjoying this. Suot niya ang paborito niyang formal black dress, but the one that hugs in all the right places and whispers dangerously unattainable. May hawak siyang baso ng champagne sa isang kamay habang tinitingnan ang perfect view ng Manila skyline. Dinig niya ang mga nagtatawanan sa paligid, maging ang masayang usapan. Wala ring tigil ang flashes ng mga camera. Savannah looked the part. The honorable mayor. But inside, she’s dying. Masyadong malakas ang musika nang gabing iyon na halos hindi niya marinig ang sariling isipan. “Sav!” sigaw ni Mikee habang palapit, dala ang isang baso ng wine. “Smile girl! Obvious masyado na kabi-break mo lang, ah!”Sinubukan naman niyang ngumiti. Pero sadyang kita pa rin sa mga mata niya ang lungkot. “Okay lang ako, Mikee.”Mikee gave her a look. ‘Yung tinging hindi naniniwala. Pero hindi na ito kumontra. Sa halip ay pumunta na ito sa dance floor at nagsimulang sumayaw, umaasang susunod siya. Pero hindi. Nanatili lang siyang
HINDI nagsalita si Savannah hangga’t wala sila sa parking area. Hindi dahil sa hindi niya gusto kundi dahil sa sandaling nakalabas sila ng café at nakalayo kay Kristoff ay agad niyang naramdaman ang hindi dapat – her body remembered things she’s trying to forget – his scent, his touch, the way his voice used to sound when he whispered things she pretended she didn’t miss.Naupo siya sa driver’s seat, humalukipkip at pilit itinago ang nararamdaman samantalang nanatili lang si Zach na nakatayo sa harap ng passenger window, naghihintay kung paaalisin niya ito o hindi.“Get in,” she said flatly. “Bago magbago ang isip ko.”At sumunod naman ito, binuksan ang kotse at tahimik na naupo.“Five minutes. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.”Dahan-dahan siya nitong tiningnan. “You look good.”Naningkit ang mga mata niya. “Ano’ng ginagawa mo rito, Zach? Kung hindi ako nagkakamali, nasa Cebu ka na dapat ngayon, having the time of your life, hindi ba?"“Nagsinungaling ako.”“Wow, consis
THE past never knocks. It just barges in uninvited.Hindi inaasahan ni Savannah na makikita si Kristoff sa café na iyon. Lalong hindi niya inaasahang makita ito nang ganoon, looking that smug – pressed navy shirt, designer sunglasses tucked into his collar and a stare so sharp, it practically peeled her skin off.Katatapos lang niyang makipag-meeting tungkol sa mining site recovery, unang pagkakataon na hindi siya lutang tulad noong mga nakaraang linggo kaya ang sabi niya sa sarili, she deserves coffee and peace. Oh well, clearly, peace took a sick leave.Naupo si Kristoff sa tabi niya na parang wala lang. “Wow, fancy running into you here, Sav. Oh, I mean, Mayor Castello.”Ni hindi nagawang tapunan ng tingin ni Savannah ang dating kasintahan. Sure, fancy. “What do you want?”“Wala naman. May mga naririnig lang ako,” mahina nitong tugon. “Alam mo na, usap-usapan. Maliit ang San Quentin, Mayor. Halos magkakakilala ang mga tao at kapag may chismis, mabilis kumalat, alam mo ‘yan.”Of cou
IT had been nine days. Not that she was counting.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa nakahaing breakfast sa kanyang harapan - eggs, toast, and coffee na noon ay si Zach ang nagdadala. Her mornings in her office used to start with schedules and phone calls pero ngayon, nagsisimula siya sa pagtitig sa kanyang cellphone habang pinipigilan ang sarili na tingnan kung may mensahe mula sa binata.She hated him. She hated how quiet everything became since he left. She hated how her body still turned when someone said “Zach” on TV. She hated herself more for missing him.A knock snapped her out of her haze.“Sav?” sumilip si Mikee sa pinto, dala ang paborito nitong iced latte at ang mukha nitong parang nagsasabing, I told you so.“Kung nandito ka para lecture-an ako-”“Narito ako para hilahin ka r’yan sa emotional grave mo, hindi para husgahan ka,” sabi nito matapos maupo sa harap niya. “Oh well, of course, may kaunting panghuhusga rin.”She rolled her eyes. “Okay lang ak







