“HAPPY birthday, Savannah, hija!” Malaki ang pagkakangiti ni Mr. Castello nang lumapit sa kanila. Wala na ring nagawa si Savannah kundi ang ngumiti at yumakap at humalik sa ama. Pasimple niyang inayos ang nagulong buhok, maging ang nagusot na damit bago kumaway sa mga tao na kanina pa marahil naghihintay sa kanya.“Hindi lang pala kami ang may sorpresa sa iyo, anak! Ikaw rin, mayroong sorpresa para sa amin!” abot-tainga nitong bati. “Ipakilala mo naman kami sa magandang-lalaking kasama mo!” Halos hanggang tainga lamang niya ito, maputi na ang buhok pero maganda pa rin ang tindig dahil na rin sa araw-araw nitong pagja-jogging sa tabing-dagat tuwing umaga. “O-of course,” mahina niyang tugon. “Papa, si...Zach. Zach, meet everyone...Papa ko, at ang staff namin sa resort...at sa munisipyo.”Alanganing kumaway si Zach sa mga panauhin na sinagot naman ng masayang ‘hello’ kabagay ng kaway ng mga iyon. “Hi, Zach!” narinig pa niyang bati ng iba na halata ring masayang-masaya sa pangyayari.N
Last Updated : 2026-09-02 Read more