"Magseselos? Magseselos ako sa iyo, bata ka? Hoy, makinig ka, bata. Hindi ko kailangang magselos sa isang batang walang alam kundi ang magmaktol. Hinihingi ko lang ang karapatan ko. Ako ang nagbabayad sa kanya, at kailangan mo ring tandaan na driver si Ireneo—ang trabaho niya ay pagsilbihan ang amo, at ako ang amo."Humakbang paabante ang bunsong kapatid, ang kanyang mugtong mga mata ay nag-aapoy na sa galit. "Ang bilin lang ni Ate Hiraya kay Ireneo ay ihatid at sunduin ako sa school! Bukod doon, kailangang magtrabaho ni Ireneo sa bahay, kailangan niya akong samahan—hindi para ayaing gumala o dumaan sa maduming hotel na parang utak mo! Bastos!""Hoy, ayusin mo 'yang pananalita mo, ha! Sinong tinatawag mong bastos?""Halah, Ate, nagdadahilan ka pa! Akala mo ba tanga ako? Narinig ko ang lahat sa wiretap! Inialok mo ang katawan mo kay Kuya Ireneo, 'di ba? Napaka- cheap mong babae!""Bwisit ka!"Dahil punong-puno na sa galit si Miss Izumi, bigla siyang sumugod para sabunutan ang kapatid ni
Read more