Kinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako.Hindi dahil sanay akong maagang bumangon. Paulit-ulit kong naaalala ang sinabi ni Adrian tungkol sa oras. Ayokong maulit ang pitong minutong pagka-late ko.Sa kusina, naghanda ako ng almusal niya.Kape. Itlog. Tinapay.Simple lang, pero ilang beses kong inayos ang mesa para siguradong maayos ang lahat.Nang sumapit ang alas-siyete, narinig ko ang mga yabag mula sa hallway.Napatingin ako.Si Adrian.Naka-puting polo siya at itim na pantalon. Bahagyang nakalugay ang buhok niya, na para bang kakagising lang.“Magandang umaga,” bati ko habang bahagyang yumuko.“Umaga.” Tumango siya at umupo.Inilapag ko ang tasa ng kape sa harapan niya.“Ang kape mo.”Tiningnan niya muna iyon bago ako.“Anong oras ka nagising?”“Alas-singko.”Umangat ang kilay niya.“Bakit?”“Sinabi mong mahalaga ang oras.” Ngumiti ako nang kaunti.Bahagyang gumalaw ang labi niya.“Natuto ka agad.” Habang nakangisi“Gusto kong mapanatili ang trabaho ko.” Ngumiti
Huling Na-update : 2026-09-07 Magbasa pa