"Hello, sister-in-law. Ang aga natin ngayon, ah?" sabi ni Lexi habang tumatayo mula sa velvet sofa. Naglakad siya papunta sa sala kung nasaan si Savannah. Si Savannah ang kaisa-isang kaibigan niya, at kapatid din ng asawa niyang si Trace Valdemor.Bumeso si Savannah sa kanya bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Galit na galit talaga ito sa fashion sense niya, mukha raw kasi siyang manang at tila itinatago ang sexy at virgin na katawan sa mga suot niya."Gusto kitang imbitahan sa isang party ngayong biyernes. Pwede ka ba?" tanong nito.Napabuntong-hininga si Lexi. Kahit ilang party pa ang puntahan ni Savannah at kahit gumawa pa ito ng iskandalo sa pamilya, walang kaso. Laging andiyan si Trace para protektahan ang nakakabatang kapatid nito."Hindi, ayaw ko," ang palaging sagot ni Lexi. Umupo siya pabalik sa sofa at elegante itong umupo at tuwid na tuwid pa. "Ano ka ba naman, kailangan mo ring maglibang minsan." Ibang-iba ang upo ni Savannah, pabagsak itong umupo sa so
Last Updated : 2026-09-11 Read more