ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag
Last Updated : 2026-10-15 Read more