Pagdating namin sa bahay, hindi na ako dumiretso sa kwarto.Diretso ako sa sala.Nandoon si Mama, nakaupo sa paborito niyang upuan. May hawak siyang tasa ng kape pero hindi niya iniinom.Pagpasok namin, agad siyang napatingin sa akin.At sa mukha niya, alam kong nakita niya ang sagot bago pa ako magsalita.“Ma.”Ibinaba niya ang tasa.“Lia…”“Nasaan si Papa?”Hindi siya sumagot.“Ma.”“Sa study.”Tumango ako.“Okay.”Humakbang na ako papunta roon nang hawakan niya ang braso ko.“Lia, sandali.”Huminto ako.“Please.”Dati, sapat na sa akin ang ganoong boses niya para umatras.Ngayon, hindi na.Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya.“Hindi na ako bata, Ma.”Naiwan siyang nakatingin sa akin.---Pagbukas ko ng pinto ng study, nandoon si Papa sa likod ng desk.Hindi siya nagulat nang makita ako.Parang kanina pa niya hinihintay ang pagdating namin.Nasa likod niya si Eli.Si Nathaniel naman ay nanatili sa may pinto.Walang nagsalita.Inilapag ko ang folder sa ibabaw ng desk.Hindi ko ito
Última actualización : 2026-09-22 Leer más