Saturday morning, maaga akong nagising.Hindi dahil may kailangan akong hanapin.Kundi dahil may plano kami.“Ready ka na?” sigaw ni Papa mula sa baba.“Almost!”Pagkababa ko, nakita ko silang dalawa ni Mama sa sala.May dala siyang maliit na bag.Si Papa naman may hawak na camera.Napangiti ako.“Talaga bang kailangan natin 'yan?”“Told you,” sabi ni Papa. “Family picture.”Tumawa ako.“Akala ko joke lang.”“Hindi ako nagbibiro tungkol sa pictures.”“Since when?”“Since today.”Napailing ako.Simple lang ang plano namin.Pumunta sa isang lugar na dati naming madalas puntahan, kumain nang sabay-sabay, mag-picture, at umuwi bago gumabi.Walang agenda.Walang kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan.At higit sa lahat, walang kailangang ayusin.Gusto lang naming magkaroon ng isang araw na amin.---Sa daan, hindi ko namalayan na ako pala ang madalas magsalita.“Dito tayo dumaan.”“Bakit?”“Mas maganda yung view.”Sumunod si Papa.“Sure ka?”“Yep.”“Boss ka ngayon?”“Choice ko 'to.”Tum
Última actualización : 2026-09-22 Leer más