"Hailey!" Hangga’t maari ay ayokong banggitin ang pangalan ng babaeng ito pero kailangan para makuha ko ang atensyon niya. Mabilis siyang tumayo nang makita ako habang si Dylan ay kalmado lang. "Let's go!""Aray, Phoenix." Hawak ko ng mahigpit ang kamay niya nang biglang magsalita si Dylan. "Hey, relax, nasasaktan ang asawa mo." Tumigil ako at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ng babaeng ito saka hinarap si Dylan. "Ano ngayon sa’yo? Kahit sakalin ko pa siya sa harap mo wala kang paki-alam." Not because he is Dylan Dy ay natatakot ako sa kanya."Phoenix, tayo na, wag ka na makipag-away.""Is that how you treat your wife? Wala kaming ginagawang masama.""Wow, ang kalmado ah! Nagpapa-impress ka ba sa asawa ko?""Hindi, dahil hindi ko siya type. At hindi ako kasing kitid ng utak mo. You didn't even give her a chance to explain at basta mo na lang siyang kakaladkarin at aawayin." Damn, kilala ko si Dylan na pikon at mabilis uminit ang ulo. Walang salitaan, walang usapan, at diretso na
Last Updated : 2026-09-20 Read more