Hindi na ako nagpaalam kay Sebastian dahil nagmamadali akong umuwi. Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakalabas ng opisina at nakasakay sa sasakyan. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga salitang narinig ko sa parking lot.Your mother never told you who your real father was.Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko, na para bang may kung sinong patuloy na bumubulong sa aking tainga upang ipaalala ang isang katotohanang hindi ko pa handang tanggapin.Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin. Pero may isang bagay akong sigurado: alam niya ang tungkol sa pagkawala ni Mama, at posibleng alam din niya ang mga bagay na pilit itinatago sa akin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.Gusto kong kausapin si Papa.Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng bagay na matagal ko nang gustong malaman tungkol kay Mama. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong 2016, kung bakit bigla na lamang siyang nawala, at kung may katotohanang hin
Last Updated : 2026-10-10 Read more