LOGINPagkapasok ko sa opisina, hindi ko man lang nagawang batiin ang mga empleyadong nakasalubong ko. Diretso akong naglakad patungo sa opisina ni Sebastian, mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang paulit-ulit na binabasa sa isip ko ang mensaheng natanggap ko kagabi.Ask your father what happened the night your mother disappeared.Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong baka pananakot lang iyon. Baka may gustong manggulo sa akin. Baka may gustong sirain ang tiwala ko kay Papa.Pero paano kung hindi?Paano kung may alam nga siya tungkol sa pagkawala ni Mama na hindi niya kailanman sinabi sa akin?At higit sa lahat, paano kung ang taong buong buhay kong pinagkatiwalaan ay may itinatagong katotohanang kayang magpabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko?Huminto ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sebastian. Hindi na ako kumatok. Agad ko itong binuksan at pumasok.Nasa likod siya ng malawak niyang mesa
Hindi na ako nagpaalam kay Sebastian dahil nagmamadali akong umuwi. Halos hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakalabas ng opisina at nakasakay sa sasakyan. Ang tanging laman ng isip ko ay ang mga salitang narinig ko sa parking lot.Your mother never told you who your real father was.Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko, na para bang may kung sinong patuloy na bumubulong sa aking tainga upang ipaalala ang isang katotohanang hindi ko pa handang tanggapin.Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa akin. Pero may isang bagay akong sigurado: alam niya ang tungkol sa pagkawala ni Mama, at posibleng alam din niya ang mga bagay na pilit itinatago sa akin ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.Gusto kong kausapin si Papa.Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng bagay na matagal ko nang gustong malaman tungkol kay Mama. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong 2016, kung bakit bigla na lamang siyang nawala, at kung may katotohanang hin
2016.The year my mother disappeared.Isang taon na hindi ko kailanman makakalimutan. Isang taon na tuluyang nagpabago sa buhay naming magkakapatid at nag-iwan ng mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.Nawala si Mama nang walang paalam. Walang nakakita kung saan siya nagpunta. Walang makapagsabi kung ano ang nangyari sa kaniya. At higit sa lahat, walang nakapagbigay sa amin ng kahit isang malinaw na dahilan kung bakit niya kami iniwan.Katorse anyos lang ako noon, at pitong taong gulang pa lamang si Angelo nang mamulat kami sa buhay na walang isang ina.Masyado pa kaming bata para maintindihan ang lahat, pero sapat na ang edad namin para maramdaman ang sakit ng pagkawala niya.Naalala ko pa kung paano ako araw-araw umaasang uuwi siya. Tuwing may maririnig akong yabag sa labas ng bahay, agad akong napapalingon sa pinto. Tuwing may babaeng dumadaan sa aming kalye na kahawig niya, hindi ko maiwasang
Nagsimula si Sebastian na mangalap ng impormasyon tungkol sa mga messages na natatanggap niya. Simula nang makita namin si Adrian sa event at makatanggap siya ng panibagong pagbabanta, mas lalo siyang naging protective.Halos bawat galaw niya ay may security check.May mga tawag siya sa private investigator niya, may mga dokumentong patuloy niyang sinusuri, at may mga taong tahimik na pumapasok at lumalabas sa opisina niya para magbigay ng updates. Hindi niya sinasabi sa akin ang lahat, pero alam kong may ginagawa siya.At kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi pa rin siya kampante.Ako naman, nandito lang sa office habang inaayos ang mga papeles na pinapaayos sa akin ni Sebastian.Medyo marami ang trabaho ko ngayong araw.May mga contracts, financial reports, meeting schedules, at iba't ibang documents na kailangang i-review at i-organize. Sapat ang dami nito para maging busy ako at kahit paano ay malimutan ko muna ang ilang araw na palaisipan tungkol kay Adrian Monteverde.Pero
“What did you say?” Halos hindi ko marinig ang tanong ni Sebastian dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa amin at sa mabagal na tugtog na patuloy na umaalingawngaw sa ballroom. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nakatitig lang ako sa direksyong kinatatayuan ng lalaking ilang segundo ko pa lamang nakita. “Si Adrian Monteverde… ayun siya.” Mabilis kong itinaas ang kamay at tinuro ang lalaki. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap sa amin, agad itong tumalikod. Parang alam niyang nakita ko siya. Parang hinihintay niya lamang na makilala ko siya bago siya tuluyang umalis. “Adrian…” Nanigas ang katawan ni Sebastian. Sinundan niya ang direksyong tinuturo ko at nang makita niya ang lalaki, nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Walang pag-aalinlangang kumaripas siya ng takbo at hinabol ang lalaki. “Sebastian!” Hindi na niya ako narinig o marahil ay pinili na lamang niyang huwag akong pakinggan. Nawala sa aking paningin si Sebastian habang mabilis na lumalayo
Isang linggo matapos ang pagbabanta ay tila tuluyan nang tumigil ang lahat.Wala nang anonymous messages. Wala nang kakaibang tawag. Wala na ring ibang insidenteng katulad ng nangyari sa bahay.Sa unang tingin, parang bumalik na sa normal ang lahat.Bumalik kami ni Sebastian sa trabaho namin. Secretary niya pa rin ako, at boss ko pa rin siya.Pero ang problema, parang nagbago ang lahat.Yung boss na kilala ko noon ay biglang naging ibang tao.He smiles at me more often.Kahit mali ang timpla ko ng kape, hindi na niya ako sinisigawan. Ipapagawa na lang niya ulit sa akin nang walang reklamo, na para bang ibang Sebastian na ang kaharap ko.For the record, hindi na rin niya ako pinapagalitan sa maliliit na bagay.Pero ang pinakamalaking pagbabago?He wants me to stay close. All the time.Kahit saan siya magpunta, gusto niyang kasama ako. At hindi lang iyon. Nag-hire pa siya ng bodyguard para sa akin at mga undercover agents para kay Papa at Angelo.Hindi ko alam kung dapat ba akong matak







