KILLIAN BLACKWOOD [CONTINUATION]Dali-dali akong bumaba sa kotse nang makarating ako sa mansion.“Clyde, ikaw na ang bahala sa kotse ko!” utos ko sa kanya bago ako tuluyang lumayo.“Yes, boss!” mabilis niyang sagot.Tumango lamang ako at agad na pumasok sa loob ng mansion habang mahigpit na hawak ang magkakadikit na saging at avocado na halos buong araw naming hinanap.“S-sir! Mabuti na lang po at dumating na kayo!” agad na sabi ni Dante nang makita niya akong papalapit.“Si Cassandra?” iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko.Hindi ko ugaling hanapin agad ang isang tao, pero pagdating kay Cassie, parang kusa na lang siyang hinahanap ng mga mata ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya o kapag malapit siya sa akin.“Nandito po, sir. Kanina pa po siya naghihintay na dumating kayo,” sagot ni Dante.Hindi ko napigilan ang bahagyang ngiti sa labi ko.“Magpahinga ka na, Dante,” sabi ko sa kanya.“Yes, sir.”Agad naman siyang umalis.Lu
Última atualização : 2026-10-02 Ler mais