“Tang ina ka! Pakawalan mo ako!” sigaw ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Halos maputol na ang ugat sa leeg ko sa kakasigaw, ngunit tila wala siyang naririnig kahit isang salitang lumalabas sa bibig ko.“Chill, baby. Huwag kang sumigaw. Ang ingay mo,” sabi niya sa akin, ngunit inirapan ko lamang siya.“Pakawalan mo ako! Sino ka ba? Hayop ka!” muli kong sigaw, ngunit wala pa ring reaksiyon ang lalaking iyon.Hindi ko siya kilala, at lalong wala akong anumang kaugnayan sa kanya.“Tumigil ka na sa kakasigaw, baby. Wala namang makakarinig sa iyo rito,” malambing niyang sabi bago siya dahan-dahang lumapit sa akin.“Huwag mo akong lalapitan! Mapapatay kita!” sigaw ko sa kanya habang namumula sa galit at pilit na nagpupumiglas.Natatakot ako na baka may gawin siyang masama sa akin, lalo na’t buntis ako ngayon.“Shh… I won’t hurt you, baby,” bulong niya sa akin bago niya inilayo ang kanyang mukha.“Huwag mo nga akong tawaging ‘baby’! Nakakairita ka! Sino ka ba?” malakas kong sigaw sa kanya,
Last Updated : 2026-09-17 Read more