Hindi Pala AtinSi Mira, nakaupo sa sahig ng bakery, hawak yung dalawang sobre.Isang sobre: galing BDO, may tatak na PARTIAL PAYMENT P1,394,100, balance P285,900.Isang sobre: galing sa pamilya Reyes, may-ari ng lupa kung saan nakatayo yung bakery. Sulat kamay, hindi type._Naniningil na kami ng upa. 10 years na hindi nagbabayad si Carlos. P50k per year x 10 years = P500k. Kung hindi mabayaran in 30 days, paalisin namin kayo sa lupa. Kahit bayad kayo sa BDO, wala kayong bakery kung wala kayong lupa._P500,000. Bagong utang.Si Lola Coring, umupo din sa tabi ni Mira, hawak tungkod."Ma, totoo ba to? Hindi atin lupa?" tanong ni Mira, boses maliit.Tumango si Lola. Mahinang tango."Anak, nung nagtayo kami ng lolo mo ng bakery 40 years ago, nakikisama lang kami sa mga Reyes. Sabi nila, magtayo kayo, bayaran niyo lang paunti-unti. Pero nung namatay lolo mo, tapos umalis tatay mo, hindi na kami nakabayad. Akala ko nakalimutan na nila."Si Tatay Carlos, nakatayo sa may pugon, nakayuko, haw
Last Updated : 2026-09-20 Read more