Mark’s POVAlam ninyo ba ang pakiramdam na parang binuhusan ka ng isang timbang yelo habang nakasalang ka sa nagbabagang kalan? Heto na nga, mga mare. Akala ko tapos na ang kalaswaan namin ni Chloe sa ibabaw ng counter table. Akala ko makakahinga na ako nang maluwag kahit paano. Pero hinding-hindi ka talaga tatantanan ng tadhana kapag sadyang gago ka.Nasa likod ko si Chloe, hubad pa rin ang itaas, nakapatong ang dalawang braso sa balikat ko, habang ang mukha niya ay ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. At sa hawak niyang telepono... putangina, kumukutitap pa ang pangalan ni Alyssa na tumatawag sa WhatsApp Video Call!"Sagutin mo, Mark," pabulong na utos ni Chloe sa tainga ko, hiningang-hininga pa ang init ng katawan, tapos nginisihan niya ako nang parang demonyo. "Sige na. Tingnan natin kung gaano kagaling magsinungaling ang asawa ko este, ang asawa mo pala."Gusto kong sapakin ang sarili ko. Gusto kongagawin ang telepono at itapon sa basurahan. Pero anong ginawa ng gago ninyong
Última actualización : 2026-11-10 Leer más