(Mark’s POV)Alam mo ‘yung pakiramdam na gusto mo na lang lunukin ng lupa sa sobrang konsensya, pero huli na ang lahat dahil nandoon ka na sa gitna ng putik? Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko habang nakaupo sa sahig ng aming sala, hawak-hawak ang baso ng Ginebra habang umiiyak na parang bata.Oo, umiiyak ako. Kasi naman, pucha, sino ba namang hindi madudurog ang utak? Kanina lang, tumawag si Alyssa. Ang tamis ng boses niya, oh. Nagtanong kung kumain na ba ako, kung kumikita ba ang coffee shop, at kung namimiss ko ba siya. Tapos ako? Heto, nakatunganga sa salas, katabi ang isang bote ng alak, habang ang utak ko ay punong-puno ng alaala ng huling halik namin ni Chloe sa hagdanan."Babe, ingat ka diyan sa London ha... mahal na mahal kita," sabi ko pa sa kanya kanina habang nanginginig ang boses ko. Ang galing ko talagang umaktor, ‘di ba? Oscar-winning performance! Parang tanga lang. Pagkababa na pagkababa ko ng tawag, parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko dahil sa sobrang guilty.
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-07 อ่านเพิ่มเติม