Anim na buwan na ang nakalipas mula nang isilang ang maliit na prinsesa ng mga Mondragon na si Aria, at para kay Queenie, ang pagbabalik niya sa korporasyon ay isang malaking deklarasyon ng kanyang kapangyarihan.Nakatayo si Queenie sa loob ng kanyang malawak na opisina, suot ang isang perpektong tabas na crimson red power suit na paborito ng kanyang asawa. Ang kanyang katawan ay tuluyan nang bumalik sa dati nitong perpektong hubog, at ang bawat hakbang niya sa ibabaw ng four-inch stilettos ay umaalingawngaw ng awtoridad.Bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok ang kanyang pinagkakatiwalaang sekretarya na si Gina, may bitbit na isang makapal na itim na folder. Halata sa mukha nito ang matinding kaba."Ma'am Queenie," bungad ni Gina, maingat na inilapag ang folder sa ibabaw ng glass table. "May problema po tayo sa supply chain ng bagong L'Éden Class jets. May isang grupo na pilit hinaharang ang mga materyales natin sa pantalan, at ginagamit din nila ang media para sirain ang pang
Last Updated : 2026-11-02 Read more