Limang buwan. Ganoon kabilis lumipas ang panahon. Sa loob ng limang buwan na iyon, tinupad ni Richard ang kanyang pangako. Walang awa nitong pinulbos ang Sterling Group. Ibinagsak niya ang mga shares nito sa merkado, hinila ang lahat ng malalaking investors pabor sa Mondragon Industries, at inipit ang mga supply chain ng kumpanya hanggang sa wala na silang magawa kundi magdeklara ng bankruptcy.Ngayon, nakaupo si Richard sa dulo ng mahabang mahogany table sa loob ng kanyang executive boardroom. Ang kanyang panga ay mahigpit na nakakuyom, ang mga mata ay kasing lamig ng yelo habang nakatitig sa dalawang taong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, si Mr. Sterling at ang anak nitong si Victoria.Wala na ang mapagmataas at mapanuksong anyo ng European heiress. Ang dating kumikinang na si Victoria Sterling ay nakayuko ngayon, namumutla, at halatang puyat dahil sa sunud-sunod na kasong kinakaharap ng kanilang pamilya."Richard, please," nagmamakaawang pakiusap ni Mr. Sterling, halos lumuhod na
Last Updated : 2026-10-02 Read more