Tiningnan ni Wave si George, na nakapamewang at balot pa rin ng tuwalya ang katawang basang-basa dahil sa maling paggamit ng bidet. “Aba! Baka tumanda na ako, hindi pa ako nakakabayad sa’yo?” reklamo ni George. “There’s no problem if you grow old with me,” bulong ni Wave, sabay ngiti. “Ano kamo? Hindi ko narinig.” Agad na nagbago ang ekspresyon ni Wave. Mabilis niyang itinago ang ngiti bago muling humarap kay George. “Sabi ko, ayoko ring tumanda kasama ka. Masakit sa ulo. Ang dami mong reklamo.” Naglakad na siya palabas ng kuwarto. “Aba! Gusto mong manahimik lang ako at tumambak ang utang ko sa’yo?” pahabol na tanong ni George. Muli siyang lumingon dito. “Just change your clothes. I’ll wait for you outside.” Isinara na niya ang pinto, iniwan si George na nakasimangot habang nakatingin sa hawak na damit. Hindi nagtagal ang paghihintay ni Wave dahil agad ding lumabas si George matapos magbihis. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ito at napangiti nang mapansing
Last Updated : 2026-10-24 Read more