LOGINIsa lang ang gustong mangyari ni George: iyon ay ang makawala sa lahat ng utang at magkaroon ng buhay na hindi niya kailangang ipaglaban araw-araw. Pero paano kung pinakamadaling paraan para mabayaran ang lahat ay ang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin –pakasalan ang isang mayamang estranghero? Si Wave ay may pera, pangalan, at lahat ng bagay na kailangan para mabago ang buhay ni George. Ang kailangan lang na kapalit nito ay isang asawa –at si George iyon. At dahil gusto niyang makamit ang maginhawang buhay, napilitan siyang pumayag sa alok nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang tunay na dahilan kung bakit siya ang napili nitong pakasalan. Dahil may mga utang na kayang bayaran ng pera at may mga utang na kahit gaano ka kayaman, hindi mo kailanman matatakasan.
View MoreNakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.
Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam. Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos. Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon. Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan. Problema sa pera. Problema sa pamilya. At higit sa lahat, ang nobyang akala niya ay magiging sandigan niya sa mga panahong pinakamahirap para sa kanya. Kung kailan niya ito kailangang-kailangan, saka naman siya nito iniwan. Nang mapansin ni George na tila nasa panganib ang lalaki, mabilis siyang lumusong at hinila ito pabalik sa mababaw na bahagi ng tubig. Pagkaahon nila sa dalampasigan, napaupo si Wave sa buhanginan habang sunod-sunod ang pag-ubo. Samantala, nakatayo sa harapan niya si George at hinahabol din ang sariling paghinga. Hindi biro ang ginawa niyang pagsagip, lalo na at mas mabigat ang lalaki kaysa sa kanya. “Lulunurin mo ba ako?” inis na tanong ni Wave matapos mairaos ang pag-ubo. Naningkit ang mga mata ni George. “Hoy! Iniligtas ko ang buhay mo!” “Hindi mo ako kailangang iligtas! Bakit mo ba ako pinapakialaman?” inis ding sagot nito. Lalo namang uminit ang ulo niya. Sa tono ng lalaki ay parang siya pa ang may kasalanan sa ginawa niyang pagtulong. “E gago ka pala, e! Kung ayaw mong maistorbo, siguraduhin mong walang makakakita sa’yo! Nananahimik din kaya akong naglalakad dito tapos bigla kitang nakitang nasa dagat nang gano’n! Sa tingin mo, papanoorin lang kita?” “Sino bang may sabi sa’yong may masama akong balak?” tanong nito. Biglang natigilan si George. Sandali niyang pinagmasdan ang lalaki. Maayos ang pananamit nito at hindi naman mukhang lasing o gulong-gulo. Pero hindi rin naman niya kayang basta ipagpalagay na alam niya ang pinagdaraanan nito. “So, hindi ka talaga nasa panganib?” paniniguro niya. “Hindi nga,” inis pa ring sagot nito. “Okay. Sabi mo, e.” Tumalikod na siya upang hanapin ang tsinelas na iniwan niya sa buhanginan. Hahakbang na sana siya nang biglang hawakan ni Wave ang kanyang kamay. Kunot-noo niya itong nilingon. “Bakit ka ba nanghahawak ng kamay?” Agad niyang inalis ang kamay nito. Bahagyang napahiya si Wave. Hindi niya sinasadyang hawakan ang babae. Naisip lang niyang baka mas mabuti kung may makausap siya sa sandaling iyon—isang taong, sa maikling panahon nilang pagkakakilala, ay tila hindi natatakot sabihin ang kahit anong nasa isip niya. “Sorry,” mahinahon niyang sabi. “Naisip ko lang… baka puwede mo akong samahan sandali?” Sandaling nag-isip si George bago tuluyang tumango. Umupo siya sa tabi nito. “Ano ba kasing naisip mo at lumusong ka sa dagat? Hindi mo ba alam na high tide kapag ganitong oras?” Pinagalitan pa niya ito sa halip na agad makiramay. “Gusto ko lang sana makalayo muna sa mga problema ko,” seryosong sagot ni Wave. Mukhang nagkamali yata siya ng taong kinausap. Hindi niya akalaing papagalitan siya nito sa ganoong klaseng sitwasyon. “Sa tingin mo, sasama sa dagat ang problema mo?” tanong ni George. “Naku! Allergic sa tubig ang problema. Giginawin lang iyon at sasama sa’yo pabalik.” “Seriously?” Namangha siya sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito kaya pinipigilan niya ang sarili na matawa. “Ang tagal ko nang nakatira sa dagat. Kung talagang naaanod ang problema, e di sana wala na akong problema ngayon. Naipaanod ko na sana lahat sa alon para hindi na bumalik ang mga letseng maniningil na iyon.” “Maniningil? Marami ka ring utang?” Sandali niyang tiningnan ang babaeng katabi. Abala ito sa pagmamasid sa dagat. Lalo siyang namangha sa pagiging prangka ng babae. Hindi niya maipaliwanag, pero habang tumatagal ang usapan nila, mas nagiging komportable siya rito. Itinuon din niya ang pansin sa tahimik na karagatan. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paligid at halos wala na silang maaninaw maliban sa ilaw ng parola na nasa hindi kalayuan. “Tinatanong mo ba ako kung magkano ang utang ko?” tanong ni George. “Bakit? Mayaman ka ba? Babayaran mo ba ang mga utang ko?” “Ano ako, hilo? Bakit ko babayaran ang utang mo? Hindi ko pa nga rin nababayaran ang mga utang namin ng Mama ko.” “Nagtatanong ka pa. Marami ka rin naman palang utang.” Napangiti siya nang bahagya bago muling tumingin sa dagat. “Alam mo, kung ako sa’yo, hindi ko iisipin kung paano tatakasan ang mga problema ko. Ang gagawin ko, mag-iisip ako ng paraan kung paano ako yayaman.” “Paano ka naman yayaman kung nandito ka lang?” “Sinong may sabing hindi ako aalis sa lugar na ito?” mabilis niyang sagot. “Hoy! Aalis ako! At doon sa pupuntahan ko, yayaman ako!” Buo ang kumpiyansa sa boses nito. Hindi naman agad sumagot si Wave. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi ng babae. Agad naman nitong napansin ang katahimikan niya. “Hindi ka naniniwala sa akin, ’no?” Hindi pa rin siya sumagot. “Sige, ganito.” Humarap sa kanya si George. “Tutal parehas naman tayong baon sa utang, mangako ka na kapag isa sa atin ang yumaman balang araw, iaahon natin sa hirap ang isa’t isa.” Napatingin siya rito. “Kung ako ang yumaman, bakit naman ako mangangako sa’yo?” Tinitigan siya ni George na para bang napakasimple ng sagot. “Iniligtas kita tapos kinakausap pa kita ngayon. Utang na loob iyon!” Napanganga si Wave. “Ganoon magbayad ng utang na loob,” dagdag pa nito. “Ang hina mo naman!” Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapailing. Hindi niya rin alam kung seryoso ba talaga ang babaeng kaharap niya sa pangakong binitiwan nito o nadadala lamang sa emosyon ng kanilang pag-uusap. Ang alam lang niya, kakaiba ito. Basta na lang itong nagbibitaw ng pangako sa isang taong ngayon pa lamang niya nakilala. At sa kabila ng lahat ng problemang bumabagabag sa kanya, sa unang pagkakataon nang gabing iyon, may kakaibang gaan siyang naramdaman. Dahil sa isang babaeng hindi niya kilala. Isang babaeng walang pakialam kung gaano siya kayaman, kung sino siya, o kung ano ang problema niya. Ang alam lang nito, pareho silang may utang. At kapag yumaman ang isa sa kanila… May utang na loob ang isa.“Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?”“Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo.Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito.“Here’s the contract.”“Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata.Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago mul
“Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya i
“Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya.“Bukas po,” mahinahon niyang sagot.“Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.”Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita.“Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.”Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya.“Ba
Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.“May cash ka ba diyan?”Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”Napangiwi si Wave.Napakasigurista naman ng babaeng ito.“Wala akong cash,” sagot niya.“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tse






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.