Si Beatrice ay isang anak mayaman at nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante ng ' textiles '.Isang arranged marriage ang pinagkasundo ng kanyang mga magulang at ng pamilya Monteverde.Ang mensaheng naghahatid sa akin ng takot. Ang mensaheng nanggagaling sa isang babae na ubod ng sama ng pag-uugali. Matatawag ko siyang modernong 'cleopatra'. Katapat ni Liam. Mahilig sa lalaki. Ngunit sa kabila ng kanyang kalandian, ako pa rin ay patuloy na lumalaban na hindi tuluyan na mawasak ang aming relasyon. Umaga ng Biyernes, isang mensahe ang bigla na lang na umaagaw sa aking atensyon. " Babe, are you free tonight? "Muntik ko ng ihagis ang 'celfon' ni Liam. Kung bakit hindi niya kayang burahin ang contact number ni Beatrice. Kinalimutan niya ang kanyang mga magulang pero palaisipan sa akin ang hindi niya pagbura nito. Sa isang kisapmata ay pupwedeng mawalay sa amin si Liam. " Nasaan na ang 'celfon' ko, Althea? Nakita mo ba?"Humahangos si Liam. Ang pagtatanong niya ay may halo
Última actualización : 2026-11-04 Leer más