تسجيل الدخولSinakluban ng langit at lupa ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang katotohanan na si Liam ay matagal na palang nagsisinungaling.Ang lahat na aming tinatamasa ng anak namin na si Leo ay isang plano na may katumbas na kabayaran. Kabayaran upang hindi ko na maipaglaban ang aming relasyon. Araw ngayon ng kasal nila Liam at Beatrice. Napilitan akong pumayag sa lahat ng masasaksihan ng aking mga mata. Sobrang pagtitiis para sa kinabukasan ng aming anak.Bagay na bagay kay Beatrice ang bistidang kulay pula. Kasingpula sa suot niyang lipstick. Kulay dugo na para bang kakain ng hilaw na karne. Sa sama ng kanyang pag-uugali ay wala na akong maiisip pa na pupwedeng maisalarawan sa kanya. Katumbas ng aking pagtanggap sa lahat ng pupwedeng mangyari ay parang isang sumpa sa pangarap kong makaahon sa hirap ng buhay. Ang lahat ng ito ay aking dadalhin na bawal na maawa sa sarili. Pinanonood ko sila mula sa pangalawang hanay ng upuan na hindi kalayuan sa altar ng simbahan kung saan sila ay
Si Beatrice ay isang anak mayaman at nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante ng ' textiles '.Isang arranged marriage ang pinagkasundo ng kanyang mga magulang at ng pamilya Monteverde.Ang mensaheng naghahatid sa akin ng takot. Ang mensaheng nanggagaling sa isang babae na ubod ng sama ng pag-uugali. Matatawag ko siyang modernong 'cleopatra'. Katapat ni Liam. Mahilig sa lalaki. Ngunit sa kabila ng kanyang kalandian, ako pa rin ay patuloy na lumalaban na hindi tuluyan na mawasak ang aming relasyon. Umaga ng Biyernes, isang mensahe ang bigla na lang na umaagaw sa aking atensyon. " Babe, are you free tonight? "Muntik ko ng ihagis ang 'celfon' ni Liam. Kung bakit hindi niya kayang burahin ang contact number ni Beatrice. Kinalimutan niya ang kanyang mga magulang pero palaisipan sa akin ang hindi niya pagbura nito. Sa isang kisapmata ay pupwedeng mawalay sa amin si Liam. " Nasaan na ang 'celfon' ko, Althea? Nakita mo ba?"Humahangos si Liam. Ang pagtatanong niya ay may halo
Natapos ang dilim at hinarap namin ang bagong umaga. Ako ay nagising mula sa bangungot na dulot ng mga magulang ni Liam. Nabunutan ako ng tinik at hindi makapaniwala na kami ni Leo ang pinili ni Liam. Si Liam ay nasa bintana. Tulala na para bang wala sa sarili. Agad ko siyang niyakap at ipinangako ko na hindi ako susuko para sa amin tatlo. Napaluha siya sa kanyang nabasa sa kanyang celfon. Isang mensahe ng pagkamuhi ng kanyang ina. Katiyakan na wala na silang ugnayan sa isa't isa. Nawala na ang karangyaan. Hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa o sadyang manghihinayang dahil kami ang dahilan ng pagbagsak ni Liam. Mula sa isang 'spoiled brat casanova' hanggang sa pobreng ama ng anak ko, hindi kapanipaniwala. Ang isang bilyunaryo ay nangangako sa akin ngayon na siya ay magsisilbing haligi ng tahanan at magiging padre de pamilya na tatayo sa kanyang sariling mga paa. 'Mahal kita, Althea.' Mahigpit na yakap na parang binago siya ng kanyang galit sa kanyang mga magulang. 'Haharap
May kumatok sa pinto ng bahay ko at bigla akong nanginig ng binuksan ko ito. Isang mukha na nakakunot ang noo at bakas sa mukha nito ang galit. Walang anu-ano ay pinagbantaan niya ako na layuan si Liam dahil kung hindi, kukunin nila sa akin ang anak namin na si Leo. Kasama niya si Liam. May isang papel na pilit na ipinapipirma sa akin. Isang kasunduan para tuluyan na layuan ang anak niya. Pinigilan ako ni Liam. Pinunit ang papel at nilabanan niya ang kanyang ina. " Hindi ninyo kami mapaghihiwalay. "Nakahanda na si Liam na iwan ang lahat ng karangyaan na meron ang pamilya Monteverde. Hindi makapaniwala ang mga magulang nito lalong-lalo na ang kanyang ina. Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi nito. Ang palad na kawangis ng guhit ng palad na siyang nagluwal sa kanya sa mundo. Parang sinakluban ng langit. " Walang utang na loob! "Sigaw ng ina ni Liam. Halos isumpa ang anak. " Kalimutan mo na kaming mga magulang mo. Simula sa araw na ito, kalimutan mong ikaw ay isang Mont
May ingay ng sasakyan akong naririnig na malapit lang sa bakuran ng kinatitirikan ng bahay namin. Sumilip ako sa maliit na siwang ng bintana at hindi ako nagkamali sa kutob ko na may mga umaaligi at nagbabantay pala sa amin ng anak ko. Napilitan si Liam na piliin niyang sundin ang kasunduan nila ni Beatrice, ang pakasalan siya at kalimutan na mayron siyang anak sa akin. Sa kabila ng hindi pagtanggi sa kasunduan na iyon ay ang hindi pagputol sa pagsusustento niya sa anak namin na si Leo. Masakit man tanggapin pero ito lang ang natatanging paraan para hindi rin maputol ang komunikasyon namin dalawa. Nalaman ng ina ni Liam na nagkikita pa rin kami, kaya't nagpadala ito ng mga tauhan upang mag-imbestiga at bantayan ako.Tawid araw na at nasa labas pa rin ng bahay ko ang mga tauhan ng mga Monteverde. Kinakabahan ako na baka pati si Leo ay kunin nila sa akin. Ayokong mawalay sa akin ang anak ko. Siya lang ang buhay ko. Hindi ako lumabas at pinagod ko ang sarili ko sa paglilinis ng buon
Sa tagal ng panahon na hinintay ay pumayag si Liam na itago si Leo sa kanyang pamilya habang ginagawa ang lahat upang maging mabuting ama nang palihim. Buwan-buwan na umaalis si Liam at ang palaging idinadahilan sa mga magulang niya ay business trip. Iniiwan niya ang kotseng kulay itim sa opisina at ipinalalabas na isa sa mga empleyado ang gumagamit nito. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Liam ang pagdalaw nito sa probinsya namin sa Quezon kung saan naroroon ang aming anak. Isang 3 taon gulang na lalaking anak na kapiling ko habang naghihintay sa pagbisita ng kanyang ama. Nagdadala siya ng mga regalo, bumibisita nang palihim, at unti-unting muling nabubuo ang pag-iibigan namin ni Liam.Ngunit ang mga lihim, gaano man kaingat na itago, ay may sariling paraan upang lumabas sa liwanag.Isang Biyernes ng hapon, habang masayang naglalaro si Leo kasama ang kanyang ama sa bakuran ng aming simpleng bahay sa Quezon, biglang nag-ring ang telepono ni Liam. Laking gulat niya nang makitang







