“Ang galing mo kanina, Lorraine,” wika ni Vivian habang nakatayo sa tabi ng kama ko. Kakapasok ko pa lang sa kwarto, pero nandito na siya, naghihintay habang nakangisi. “Narinig ko lahat mula sa kabilang kwarto. Si Daddy, halos mabaliw na sa’yo.”Napahawak ako sa dibdib ko, kunwari nagd-drama, sabay tawa ng mahina. Para kaming mga bata na naglalaro.“Muntik na kaming mahuli ni Tita Selene,” sabi ko habang pinapaypayan ang mukha ko. “At si Hero, bwisit na bwisit ako sa mukha niya.”“Hayaan mo lang sila,” ngumiti si Vivian. “Ang mahalaga, kumakagat na si Daddy sa pain natin. Kapag nahuli silang dalawa ni Tita Selene at Hero, magkakaroon ng dahilan si Daddy para hiwalayan siya nang walang makukuhang pera o ari-arian si Tita. At kapag nangyari 'yon, tuloy-tuloy ang sweldo mo at siguradong pasok ka sa airline.”Habang nag-uusap kami, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ilalim ng unan. Tiningnan ko ang screen.Isang text mula kay Daddy Razon: “Pumunta ka sa study room ko mamay
Last Updated : 2026-09-23 Read more