TUWID na tuwid ang tayo ni Hiro habang diretsong nakatingin sa mata ng foreigner. Nagbabanta ang mga titig. Kuyom ang mga kamao. Walang nagawa ang banyaga kundi inis na umalis. He knew already that he didn’t stand a chance. Marahas na napabuga ng hangin si Hiro. Humarap ito sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay. Binalot nito sa kaniya ang dala nitong tuwalya saka siya binuhat na parang prinsesa. “You’re angry,” puna niya sa binata. Sinubukan niyang paghiwalayin ang mga kulay nito gamit ang dalawang hintuturo niya. “Bakit hindi mo ako ginising?” inis pa rin na tanong nito sa kaniya. “Sorry na. Alam ko kasing puyat ka pa dahil maaga tayong bumiyahe kanina,” rason niya rito. “Kahit pa. Don’t leave our cabana without me,” utos nito sa seryosong tinig. Paano kung hindi niya naabutan iyong kanina? He’d spotted the guy at the restaurant that morning. And he’d been staring at his girlfriend since then. He even followed them at the souvenir shops. Hindi na ito sumunod pa sa kanila
Last Updated : 2026-11-24 Read more