“I’M sorry to startle you,” hingi ng paumanhin ni Kade. Nakita yata nito na napatalon siya sa gulat kanina. Nahiya tuloy siya.“Okay lang.” Ngumiti na lang siya sa lalaki.“Hatid na kita sa apartment mo. Angkas na,” presenta ng lalaki na kinagulat niya.“Naku! Huwag na, Kuya. Baka may pupuntahan ka pa. Kaya ko namang umuwi mag-isa,” tanggi niya rito. Baka kasi masanay siya at hanap-hanapin na niya. Isa pa, wala namang dahilan para ihatid siya nito. Hindi nga sila magkaibigan man lang.“I’m also on my way home. Kaya sabay kana sa akin,” pilit nito. Mukhang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya pumapayag.“Kuya, huwag na. There’s no reason for you to do this. You can go home without me,” seryosong wika niya rito. Nawiwirduhan na kasi siya sa kinikilos nito simula pa kanina. He bought her coffee out of nowhere. Yes, they ate out yesterday and he dropped her home. It was just that he was being too… friendly.Nawala ang ngiti
Last Updated : 2026-10-18 Read more