Kasalukuyan…NADIA POV “Welcome to our winery villa, Ms. Reyes!,” bungad sa akin ni Nathaniel ng makababa na kami ng kotseng sumundo sa amin sa aiport. “Wow, ang ganda po dito tito Nathan!,” agad akong napalingon kay Nicole na kumapit na sa braso ni Nathaniel. Kailan pa sila naging close? “Really… you like it here, baby? You want me to tour you around?,” agad na lumuhod si Nathaniel at pumantay kay Nicole. “Babe… you forgot to open the door for me!,”maarteng sabi ng fiancee ni Nathaniel na nakalimutan ko ang pangalan. Kanina pa sa eroplano ako naiinis sa kaartehan ng babaeng kinulang ang tabas ng tela. Nakaskinny jeans nga pero butas- butas naman at nakablusa nga pero tube top naman pero kita ang pusod. Haist, wala ba siyang lamig sa katawan? Oo, nga naman para sa mga foreigner wala lang ito sa kanila, liberated nga naman ang culture nila. Pero, wait, hindi naman foreigner itong babae na ito pero kung umusta parang westernized na ang culture. Ito ba ang pinalit sa kanya
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-29 Mehr lesen