ALLIYAH'S POV :Halos alas-singko na nang makarating ako sa Santillian Mansion. Pagod katawan ko buong araw, pero mas pagod yata utak ko sa kakaiwas kay Gwen. Sa bawat break, inaabangan niya ako sa pantry para ulitin yung eksena sa hallway."Rice cooker..." bulong ko habang bumababa ng sasakyan. "Bwisit ka talaga, Gwen."Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Manang Gracia. May kakaiba sa mukha niya."Hija, buti dumating ka na," wika ni Manang."Bakit po, Manang? May nangyari ba?" tanong ko."May dumating na package kaninang tanghali. Hindi namin ginalaw. Nasa sala," sagot niya.Napalingon ako sa center table. May malaking puting kahon doon. Matte wrapper, itim ang ribbon, malinis ang pagkakabalot. Walang pangalan ng sender, walang logo.Lumapit ako."Para kanino po?" tanong ko."Ikaw daw," sagot ni Manang."Ako?" Tumango si Manang. "Nakasulat, Mrs. Drake Santillian."Napatigil ako. Simula nang ikasal kami, ngayon lang may dumating na package na nakapangalan sa akin bil
Last Updated : 2026-10-17 Read more