Troy Lance POV “Sigurado po ba kayo, Tito?” tanong ko, hindi ko maalis ang pag-aalinlangan sa boses ko. “Oo, Troy,” sagot niya, simple ngunit seryoso. Ilang sandali kaming nanahimik pagkatapos noon. Akala ko ay magpapatuloy lamang kami sa pag-uusap tungkol sa mga sinabi niya kanina tungkol sa kanyang trabaho. Pero biglang nagbago ang kilos ni Tito Fred. Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Unti-unti niyang dinagdagan ang bilis ng sasakyan. Napahawak ako sa seatbelt ko nang maramdaman kong bumilis ang takbo namin. “Tito, bakit nilalakasan ninyo?” tanong ko, puno ng pagtataka ang boses ko. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, muli niyang tiningnan ang rearview mirror bago niya ako sagutin. “Sinusundan nga tayo. Kanina pa sila.” Nanlamig ako sa narinig ko. “A-Ano?” Napalingon agad ako sa likuran at doon ko nakita ang isang sasakyan na ilang distansya lamang ang layo sa amin. Hindi ko iyon gaanong pinansin kanina dahil akala ko isa lamang itong ordinaryong sasakyan na
Last Updated : 2026-10-07 Read more