Share

Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus
Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus
Author: dandanara

PROLOGUE

Author: dandanara
last update publish date: 2026-10-07 17:37:27

Troy Lance POV

“Mag-iingat ka doon sa Manila, ha,” Napalingon ako kay Tita Maricel habang hawak ko ang isang underwear na pilit kong ipinapasok sa loob ng luggage ko. Ilang beses ko na itong tiniklop, pero parang ayaw pa ring magsara ng maleta dahil sa dami ng gamit na pinilit kong isama. Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at muling inayos ang mga damit. Si Tita Maricel ang kapatid ng aking ina. Dito na ako sa kanila nakatira simula nang mawala ang mga magulang ko sampung taon na ang nakalipas. Sampung taon na rin mula nang mangyari ang aksidenteng tuluyang nagbago ng buhay ko.

Hindi ko man lubos na naaalala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon, alam kong malaki ang naging pagbabago sa buhay ko matapos silang mawala. Mabuti na lamang at nandiyan si Tita Maricel para tulungan ako. Dito ako nanirahan at nag-aral mula elementarya hanggang senior high school. Kahit hindi ko tunay na magulang si Tita Maricel, hindi niya kailanman ipinadama sa akin na mag-isa ako. Nangako rin sa akin si Tito Fred ang kapatid ng aking ama na siya na ang magpapaaral sa akin sa college hanggang sa makapagtapos ako. Ngayong nasa wastong gulang na ako at handa nang magsimula ng panibagong yugto ng buhay ko, pakiramdam ko ay sabay-sabay na nagbabago ang lahat.

“Sigurado akong mami-miss ko kayo, Tita. Pati ang mga kapitbahay natin dito,” sabi ko habang maingat na tinutupi ang mga damit ko at inilalagay ang mga iyon sa loob ng luggage. Ilang beses kong inayos ang mga gamit ko dahil ayokong may makalimutan, lalo na’t hindi ko alam kung kailan ako muling makakauwi. Ngumiti si Tita Maricel habang inaayos ang ilang damit na inilagay ko sa gilid ng maleta. “Basta kapag bakasyon, bumisita ka dito. Huwag mong hayaan na makalimutan mo kami kapag nasa Manila ka na,” sabi niya, bagama’t may bahid ng lungkot ang kanyang boses. Napangiti ako at tumango. “Hindi ko naman po kayo makakalimutan, Tita. Pangako.” Totoo iyon. Kahit gaano kalayo ang Manila, alam kong hindi ko basta makakalimutan ang lugar na ito dahil dito ako lumaki at dito ko naranasan kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng pamilya kahit wala na ang mga magulang ko.

Nang matapos ko nang ayusin ang lahat ng gamit ko, biglang umalingawngaw ang malakas na busina ng isang sasakyan mula sa labas. Agad akong napalingon sa bintana at nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan na huminto sa harap ng bahay. “Si Tito Fred na siguro iyon,” sabi ko habang napapangiti. Tama nga ang hula ko. Pagtingin ko sa labas, nakita ko siyang bumaba ng sasakyan. Nakasuot siya ng kanyang police uniform at shades, gaya ng madalas kong nakikita sa kanya kapag pumupunta siya rito para bisitahin ako. Pulis si Tito Fred at isa siya sa mga taong pinaka-idol ko sa buhay. Bata pa lamang ako, humahanga na ako sa kanya dahil sa dedikasyon niya sa trabaho at sa paraan ng pagtulong niya sa ibang tao. Dahil sa kanya, napili ko ring kunin ang Criminology sa college. Gusto kong sundan ang kanyang yapak at balang araw ay maging isang pulis na makapaglilingkod din sa bayan.

Agad kong binuksan ang gate at lumabas para salubungin siya. Paglapit niya sa akin ay agad akong nagmano. “Tito Fred, andito na pala kayo,” masigla kong bati. Ngumiti siya at bahagyang tinapik ang balikat ko. “Anlaki mo na, Troy. Binata ka na talaga,” biro niya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Napatawa ako. “Parang kailan lang noong huli kitang nakita.” “Hindi na bata ang pamangkin ko,” sagot niya na may halong pagmamalaki. Pagkatapos ay tumingin siya sa loob ng bahay. “Ano, okay na ba ang mga gamit mo?” “Okay na po, Tito. Tinulungan ako ni Tita Maricel.” Tumango siya at tumingin sa kanyang relo. “Sige na, kunin mo na para hindi tayo abutan ng gabi sa biyahe papuntang Manila. Malala ang traffic ngayon.” “Sige po, Tito,” sagot ko bago bumalik sa loob upang kunin ang luggage at bag ko.

Nang mailagay ko na ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan, nakita kong nag-uusap sina Tito Fred at Tita Maricel. Hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pag-uusap, pero malinaw sa akin ang pasasalamat ni Tito Fred kay Tita dahil sa pag-aalaga at pagkupkop nito sa akin sa loob ng maraming taon. “Maraming salamat sa pag-aalaga kay Troy, Maricel,” sabi ni Tito Fred. “Hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo para sa kanya.” Ngumiti si Tita at umiling. “Walang anuman, Fred. Pamangkin ko siya. At alam mo naman na parang anak ko na rin siya.” Napatingin ako kay Tita. Wala siyang sariling anak, pero hindi niya kailanman ipinaramdam sa akin na hindi ako kabilang sa pamilya niya. Sa loob ng sampung taon, itinuring niya akong parang tunay niyang anak. Kaya nang makita kong namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang papalapit na ako sa sasakyan, hindi ko rin napigilang makaramdam ng bigat sa dibdib.

Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. “Salamat po sa lahat, Tita,” mahina kong sabi habang mahigpit siyang niyayakap. “Mag-aral kang mabuti, Troy,” sagot niya habang hinahaplos ang likod ko. “Opo.” “At huwag kang magpapagutom. Kapag may kailangan ka, tumawag ka agad sa akin.” Napangiti ako kahit ramdam ko na rin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Opo, Tita. Mag-iingat po ako.” Nang tuluyan na akong bumitaw sa yakap, nakita kong pinupunasan niya ang kanyang mga luha. Ngumiti siya sa akin kahit halatang nahihirapan siyang magpaalam. “Basta huwag mong kalimutang umuwi kapag may pagkakataon.” Tumango ako. “Hindi ko po makakalimutan.” Sumakay na ako sa sasakyan at bago ko tuluyang isinara ang p***o, huli kong tiningnan si Tita Maricel na nakatayo sa gate. Kumaway siya sa akin, at kumaway rin ako pabalik habang unti-unting umaandar ang sasakyan.

Pinaandar na ni Tito Fred ang sasakyan at ilang minuto pa lang ay nakalayo na kami sa bahay. “Mag-seat belt ka” paalala niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa daan. Agad kong isinuot ang seat belt at ngumiti. “Segi,Tito.” Tahimik muna kaming nagbiyahe habang pinagmamasdan ko sa bintana ang mga lugar na kinalakihan ko. Habang palayo kami nang palayo, unti-unti kong naramdaman ang kakaibang lungkot. Alam kong hindi ko naman tuluyang iniiwan ang lugar na ito dahil maaari naman akong bumalik kapag bakasyon, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag alam mong magsisimula ka na ng panibagong buhay sa ibang lugar. “Basta pagdating mo sa Manila, iwasan mo ang barkada at atupagin mo ang pag-aaral mo,” paalala ni Tito Fred. “Maraming distractions doon. Huwag mong hayaang mawala ka sa focus.” Napangiti ako at tumango. “Opo, Tito. Walang problema. Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko.”

“Sigurado ka?” tanong niya habang bahagyang nakangiti. “Opo. Gusto ko talagang matapos ang college at maging pulis.” Ilang segundo siyang natahimik bago nagsalita. “Alam kong gusto mong sundan ang yapak ko, Troy, pero tandaan mo, hindi mo kailangang maging katulad ko. Gumawa ka ng sarili mong pangalan. Kung magiging pulis ka, gawin mo dahil iyon ang pangarap mo at hindi dahil gusto mong gayahin ako.” Napangiti ako at tumingin sa kanya. “Pero gusto ko po talaga, Tito. Gusto kong makatulong sa mga tao gaya ninyo.” Bahagya siyang ngumiti. “Then do your best. Mag-aral kang mabuti at huwag mong kakalimutang maging mabuting tao kahit saan ka mapunta.” Tumango ako nang buong kumpiyansa. “Opo. Pangako.”

Habang patuloy ang aming biyahe papuntang Manila, unti-unti namang napalitan ng excitement ang lungkot na nararamdaman ko. Sa wakas, makikita ko na rin ang lugar na matagal ko nang naririnig at napapanood. Ang Manila. Ang lugar kung saan magsisimula ang college life ko at kung saan unti-unti kong bubuuin ang pangarap kong maging pulis. Iniisip ko na ang magiging buhay ko roon, ang bagong school, mga bagong kaklase, professors, at mga taong makikilala ko. Hindi ko alam kung magiging madali ba ang lahat, pero handa akong harapin ang anumang pagsubok na darating. After losing my parents at such a young age, I learned that life could change without warning. Kaya ngayon, ayokong sayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin nina Tito Fred at Tita Maricel.Gusto kong makapagtapos, maging pulis, at balang araw ay makapaglingkod sa bayan. Gusto kong maging taong maipagmamalaki ng mga magulang ko kahit wala na sila. Habang nakatingin ako sa mga ilaw na unti-unting lumilitaw sa malayo, napangiti ako. Excited na ako. Sa wakas, papunta na ako sa Manila, papunta na ako sa bagong buhay na matagal ko nang hinihintay. Ngunit hindi ko alam na sa paglalakbay na iyon, hindi lamang college life ang naghihintay sa akin. May mga taong makikilala ko, mga pangyayaring magbabago sa buhay ko, at isang kwentong hindi ko kailanman inakala na magiging bahagi ng aking kapalaran.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 5

    Troy Lance POV “Sigurado po ba kayo, Tito?” tanong ko, hindi ko maalis ang pag-aalinlangan sa boses ko. “Oo, Troy,” sagot niya, simple ngunit seryoso. Ilang sandali kaming nanahimik pagkatapos noon. Akala ko ay magpapatuloy lamang kami sa pag-uusap tungkol sa mga sinabi niya kanina tungkol sa kanyang trabaho. Pero biglang nagbago ang kilos ni Tito Fred. Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Unti-unti niyang dinagdagan ang bilis ng sasakyan. Napahawak ako sa seatbelt ko nang maramdaman kong bumilis ang takbo namin. “Tito, bakit nilalakasan ninyo?” tanong ko, puno ng pagtataka ang boses ko. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, muli niyang tiningnan ang rearview mirror bago niya ako sagutin. “Sinusundan nga tayo. Kanina pa sila.” Nanlamig ako sa narinig ko. “A-Ano?” Napalingon agad ako sa likuran at doon ko nakita ang isang sasakyan na ilang distansya lamang ang layo sa amin. Hindi ko iyon gaanong pinansin kanina dahil akala ko isa lamang itong ordinaryong sasakyan na

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 4

    Troy Lance POVMaaga akong nagising kinabukasan dahil ngayon na ang araw ng enrollment ko sa St. Aurelius University. Ilang sandali muna akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, pilit na pinoproseso sa isip ko na sa wakas, magsisimula na talaga ang bagong chapter ng buhay ko. Ilang taon kong pinangarap na makapag-aral sa Maynila at makapagtapos ng Criminology. Ngayon, unti-unti nang nagiging realidad ang lahat.Naalala ko rin ang nangyari kagabi. Matagal umuwi si Tito Fred dahil may trabaho siyang kailangang tapusin, habang si Tita Venus naman ay may shooting para sa isang film. Kaya mag-isa lang ako sa bahay kagabi. “Baka hatinggabi na nakauwi si Tito Fred at Tita Venus,” bulong ko sa sarili habang bumabangon. “Malamang tulog na ako nung dumating sila.” Napailing ako at agad na bumaba ng kama. Ayokong ma-late sa enrollment dahil unang araw ko pa lang sa university. Gusto kong maging maayos ang lahat.Pumasok ako sa banyo at nag-shower. Habang naliligo, hindi ko maiwasang maalala a

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 3

    Troy Lance POVPagkatapos naming mag-breakfast ay nagpaalam na si Tito Fred sa amin dahil malalate na raw siya sa trabaho. Kanina pa niya tinitingnan ang oras sa relo niya habang hinihigop ang natitira niyang kape, halatang nagmamadali na. Nang tumayo siya mula sa kinauupuan niya ay inayos niya muna ang suot niyang polo at kinuha ang mga gamit niya bago tumingin sa akin. “Oh, maiwan na kita dito, Troy. Libutin mo itong bahay ko. Pwede ka rin lumabas para makilala mo ang mga kapitbahay natin. Huwag kang mahihiyang magtanong kay Tita Venus kung may kailangan ka,” sabi niya habang bahagyang nakangiti. Tumango ako at ngumiti rin. “Opo, Tito. Ingat po kayo sa trabaho.” Tumango siya bago tuluyang lumabas ng bahay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-start ng sasakyan niya hanggang sa unti-unti itong mawala sa pandinig ko.Nang tuluyan nang umalis si Tito Fred, kaming dalawa na lamang ni Tita Venus ang naiwan sa bahay. Tahimik pa rin ang paligid, maliban sa kalansing ng mga plato at kubye

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 2

    Troy Lance POVPagbaba ko sa first floor papunta sa hapagkainan, bigla akong napatigil nang makita ko ang isang babae na abala sa pag-aayos ng pagkain sa mesa. Siya ang babaeng nakita ko kanina, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siya nang malinaw. Parang saglit na tumigil ang mundo ko habang sinusubukan kong iproseso kung sino siya. Hindi ko maikakailang napakaganda niya. Mahaba ang buhok niya, matangkad, sexy at sobrang laki ng suso nito. Napalunok ako at bahagyang nag-iwas ng tingin nang mapansing papalapit na siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya. Marahil dahil nakita ko kanina yung kantutan nila ni Tito Fred. Naiilang ako at ngayon nakaharap ko na siya parang nabighani ako sa kagandahan niya.“Ito na ba ang pamangkin mo, Fred?” tanong niya habang nakatingin sa akin.“Oo,” sagot ni Tito Fred na kakalabas lamang mula sa kusina. “Si Troy.”Napatingin sa akin ang babae at ngumiti. “Ang pogi naman nito. Puwede itong mag-artista. Matangos ang ilong at Mata

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 1

    Troy Lance POV UGHHH! UGHHH! UGHHH! FUCK ME HARDER!Naalimpungatan ako sa isang kakaibang ungol na bigla kong narinig sa aking kwarto. Napakunot-noo ako habang pilit na inaalam kung saan nanggagaling ang ingay. Hindi ko agad matukoy kung saan iyon nagmumula, pero sa pagkakarinig ko, parang nanggagaling ito sa first floor ng bahay. Ilang segundo akong nanatiling nakahiga habang nakikinig, umaasang baka tumigil din ang kakaibang ingay, pero muling umalingawngaw ang isang mahinang ungol ng babae. Mas malinaw na ngayon.Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Madilim pa sa loob dahil hindi ko pa binubuksan ang ilaw. Tanging kaunting liwanag lamang mula sa labas ang pumapasok sa pagitan ng mga kurtina. Bigla kong naalala ang sinabi ni Tito Fred kagabi nang makarating kami sa bahay niya. Dahil sa sobrang antok ko matapos ang mahabang biyahe mula sa amin papuntang Manila, hindi ko na nagawang libutin o tingnan nang mabuti ang bahay. Sinabi lang niya sa akin na sa second floor ang magiging kwar

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   PROLOGUE

    Troy Lance POV“Mag-iingat ka doon sa Manila, ha,” Napalingon ako kay Tita Maricel habang hawak ko ang isang underwear na pilit kong ipinapasok sa loob ng luggage ko. Ilang beses ko na itong tiniklop, pero parang ayaw pa ring magsara ng maleta dahil sa dami ng gamit na pinilit kong isama. Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at muling inayos ang mga damit. Si Tita Maricel ang kapatid ng aking ina. Dito na ako sa kanila nakatira simula nang mawala ang mga magulang ko sampung taon na ang nakalipas. Sampung taon na rin mula nang mangyari ang aksidenteng tuluyang nagbago ng buhay ko.Hindi ko man lubos na naaalala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon, alam kong malaki ang naging pagbabago sa buhay ko matapos silang mawala. Mabuti na lamang at nandiyan si Tita Maricel para tulungan ako. Dito ako nanirahan at nag-aral mula elementarya hanggang senior high school. Kahit hindi ko tunay na magulang si Tita Maricel, hindi niya kailanman ipinadama sa akin na mag-isa ako. Nangako rin sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status