Share

Chapter 4

Penulis: dandanara
last update Tanggal publikasi: 2026-10-07 17:41:34

Troy Lance POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil ngayon na ang araw ng enrollment ko sa St. Aurelius University. Ilang sandali muna akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, pilit na pinoproseso sa isip ko na sa wakas, magsisimula na talaga ang bagong chapter ng buhay ko. Ilang taon kong pinangarap na makapag-aral sa Maynila at makapagtapos ng Criminology. Ngayon, unti-unti nang nagiging realidad ang lahat.

Naalala ko rin ang nangyari kagabi. Matagal umuwi si Tito Fred dahil may trabaho siyang kailangang tapusin, habang si Tita Venus naman ay may shooting para sa isang film. Kaya mag-isa lang ako sa bahay kagabi. 

“Baka hatinggabi na nakauwi si Tito Fred at Tita Venus,” bulong ko sa sarili habang bumabangon. “Malamang tulog na ako nung dumating sila.” Napailing ako at agad na bumaba ng kama. Ayokong ma-late sa enrollment dahil unang araw ko pa lang sa university. Gusto kong maging maayos ang lahat.

Pumasok ako sa banyo at nag-shower. Habang naliligo, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kahapon sa amin ni Tita Venus. Natatawa pa rin ako kapag naiisip ko kung paano niya ako pinagawa ng bagay na hindi ko naman inaasahan. Hindi ko rin maitatanggi na napahiya ako sa sarili kong reaction. Nang matapos kong hilurin ang likod niya, halos hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang mga mata ko. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko sa kakaibang pagnanasa,hindi ako nagpadala sa kung ano mang nararamdaman ko. “Ano ba ’yan, Troy?” mahina kong sabi sa sarili habang napapailing. “Si Tita Venus ’yan. Girlfriend siya ni Tito.” Pinilit kong alisin sa isip ko ang nangyari.

Pagkalabas ko ng banyo, nagulat ako nang makita kong gising na si Tito Fred. Nakaupo siya sa dining table habang nagkakape at kumakain ng simpleng breakfast. Mukhang maaga rin siyang nagising kahit halatang pagod. Nakasuot na siya ng kanyang uniporme at may mga gamit siyang nakalagay sa tabi niya. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti. “Good morning, Troy. Mag-almusal ka muna,” sabi niya habang tinuturo ang upuan sa harap niya. “Nagtimpla ako ng kape at kumuha rin ako ng bread. Kain ka muna bago tayo umalis.”

“Good morning din po, Tito,” sagot ko habang umuupo. “Maaga pala kayong nagising.”

“Sanay na ako,” sagot niya at bahagyang natawa. “Kapag pulis ka, minsan hindi mo na alam kung kailan ka makakatulog nang maayos.”

Kumuha ako ng tinapay at tahimik na kumain. Habang umiinom ako ng kape, napansin kong medyo seryoso ang mukha ni Tito Fred. Hindi tulad ng dati na madalas siyang nakikipagbiruan sa akin kapag kaming dalawa lang. Ilang segundo siyang tahimik bago siya nagsalita.

“Sorry pala kung hating gabi na ako nakauwi kagabi,” sabi niya.

“Okay lang po, Tito. Sabi ko nga baka late na talaga kayong nakauwi kagabi kaya hindi ko na kayo hinintay.”

“May inaasikaso kasi akong imortanteng case.”

Napatingin ako sa kanya. “Case po?”

Tumango siya at ibinaba ang hawak niyang tasa. “Human trafficking.”

Biglang nawala ang ngiti ko. “Human trafficking?”

“Yes. May mga nawawalang mga binatang lalaki. Ilang pamilya na ang lumapit sa amin dahil hindi nila alam kung nasaan ang mga anak nila. We’re trying to connect the cases, pero hindi pa malinaw kung iisang grupo lang ang nasa likod nito.”

Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko inaasahan na ganito kabigat ang inaasikaso ni Tito Fred. Bigla kong naalala ang mga kwento tungkol sa mga taong nawawala at mga krimeng naririnig ko sa balita.

“Marami na po ba silang nawawala?” tanong ko.

“Mas marami kaysa sa inaakala namin,” sagot niya. “Kaya gusto kong mag-ingat ka, lalo na ngayong nasa Manila ka na. Huwag kang basta sumama sa mga taong hindi mo kilala. Huwag kang pupunta sa mga lugar na hindi pamilyar sa’yo. At higit sa lahat, huwag kang magpaabot ng gabi sa school.”

Tumango ako. “Opo, Tito.”

“Alam kong excited kang magsimula sa university. Pero kailangan mong tandaan na hindi lahat ng tao dito mabuti ang intensyon.”

“Opo. Mag-iingat po ako.”

Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago tumango. “Good. Hindi kita tinatakot, Troy. Gusto ko lang maging aware ka. Manila is a big city. Maraming opportunities, pero marami ring peligro.”

Napalunok ako at tumango ulit.

Matapos naming mag-almusal, naghanda na kami para umalis. Hindi na ginising ni Tito Fred si Tita Venus dahil napuyat daw ito kagabi sa shooting. Tahimik kaming lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan.

“Ready?” tanong ni Tito Fred nang makaupo na siya sa driver’s seat.

“Yes, Tito.”

“Then let’s go.”

Pinaandar niya ang makina at unti-unti kaming umalis. Habang nasa biyahe, tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Iba talaga ang Manila. Mas maraming tao, mas maraming sasakyan, mas maraming gusali. Parang bawat sulok ay may sariling kuwento. Habang papalayo kami sa bahay, mas lalo kong nararamdaman ang excitement ko para sa unang araw ko sa St. Aurelius University.

Malayo-layo rin ang university na pag-eenrollan ko, at alam kong mahaba ang biyahe lalo na kapag traffic. Ilang beses kaming natigil sa mga intersection at halos bawat kanto ay puno ng sasakyan. Mabuti na lang at maaga kaming umalis.

“Excited ka na?” tanong ni Tito Fred habang nagmamaneho.

“Opo,” sagot ko. “Medyo kinakabahan din.”

“Normal lang ’yan. First day mo.”

“Gusto ko lang po talagang maging okay ang lahat.”

“Magiging okay ’yan,” sabi niya. “Just focus on your studies. Tandaan mo kung bakit ka nandito.”

Napangiti ako. “Para maging pulis.”

“Exactly.”

Natawa ako nang bahagya. “Parang kayo talaga.”

“Mas mabuti pa,” biro niya. “Baka mas maging magaling ka sa akin.”

“Hindi po. Idol ko kayo.”

Napailing siya habang nakangiti. “Basta huwag mong kakalimutang mag-aral.”

Pagkalipas ng ilang minuto, unti-unti nang nabawasan ang mga sasakyan. Nakalabas na kami sa masikip na bahagi ng traffic at napunta sa isang mas tahimik na lugar. Mas kakaunti ang mga sasakyan at mas maluwag ang kalsada. Akala ko magiging mas relax na ang biyahe namin.

Pero biglang nagbago ang expression ni Tito Fred.

Napansin kong ilang beses siyang tumingin sa rearview mirror. Hindi ko agad pinansin, pero napansin kong paulit-ulit niyang ginagawa iyon. Maya-maya, napatingin ako sa side mirror at may nakita akong isang dark-colored na sasakyan sa likuran namin.

“May problema po ba, Tito?” tanong ko.

Hindi agad sumagot si Tito Fred. Mas naging alerto ang mga mata niya habang nakatingin sa rear-view mirror.

“Kanina pa ’yan,” mahina niyang sabi.

“Ano po?”

“Yung sasakyan sa likod natin.”

Napatingin ako ulit. “Baka pareho lang po tayo ng pupuntahan?”

Umiling siya. “Hindi. Kanina pa tayo sinusundan.”

Bigla akong kinabahan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 5

    Troy Lance POV “Sigurado po ba kayo, Tito?” tanong ko, hindi ko maalis ang pag-aalinlangan sa boses ko. “Oo, Troy,” sagot niya, simple ngunit seryoso. Ilang sandali kaming nanahimik pagkatapos noon. Akala ko ay magpapatuloy lamang kami sa pag-uusap tungkol sa mga sinabi niya kanina tungkol sa kanyang trabaho. Pero biglang nagbago ang kilos ni Tito Fred. Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Unti-unti niyang dinagdagan ang bilis ng sasakyan. Napahawak ako sa seatbelt ko nang maramdaman kong bumilis ang takbo namin. “Tito, bakit nilalakasan ninyo?” tanong ko, puno ng pagtataka ang boses ko. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, muli niyang tiningnan ang rearview mirror bago niya ako sagutin. “Sinusundan nga tayo. Kanina pa sila.” Nanlamig ako sa narinig ko. “A-Ano?” Napalingon agad ako sa likuran at doon ko nakita ang isang sasakyan na ilang distansya lamang ang layo sa amin. Hindi ko iyon gaanong pinansin kanina dahil akala ko isa lamang itong ordinaryong sasakyan na

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 4

    Troy Lance POVMaaga akong nagising kinabukasan dahil ngayon na ang araw ng enrollment ko sa St. Aurelius University. Ilang sandali muna akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, pilit na pinoproseso sa isip ko na sa wakas, magsisimula na talaga ang bagong chapter ng buhay ko. Ilang taon kong pinangarap na makapag-aral sa Maynila at makapagtapos ng Criminology. Ngayon, unti-unti nang nagiging realidad ang lahat.Naalala ko rin ang nangyari kagabi. Matagal umuwi si Tito Fred dahil may trabaho siyang kailangang tapusin, habang si Tita Venus naman ay may shooting para sa isang film. Kaya mag-isa lang ako sa bahay kagabi. “Baka hatinggabi na nakauwi si Tito Fred at Tita Venus,” bulong ko sa sarili habang bumabangon. “Malamang tulog na ako nung dumating sila.” Napailing ako at agad na bumaba ng kama. Ayokong ma-late sa enrollment dahil unang araw ko pa lang sa university. Gusto kong maging maayos ang lahat.Pumasok ako sa banyo at nag-shower. Habang naliligo, hindi ko maiwasang maalala a

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 3

    Troy Lance POVPagkatapos naming mag-breakfast ay nagpaalam na si Tito Fred sa amin dahil malalate na raw siya sa trabaho. Kanina pa niya tinitingnan ang oras sa relo niya habang hinihigop ang natitira niyang kape, halatang nagmamadali na. Nang tumayo siya mula sa kinauupuan niya ay inayos niya muna ang suot niyang polo at kinuha ang mga gamit niya bago tumingin sa akin. “Oh, maiwan na kita dito, Troy. Libutin mo itong bahay ko. Pwede ka rin lumabas para makilala mo ang mga kapitbahay natin. Huwag kang mahihiyang magtanong kay Tita Venus kung may kailangan ka,” sabi niya habang bahagyang nakangiti. Tumango ako at ngumiti rin. “Opo, Tito. Ingat po kayo sa trabaho.” Tumango siya bago tuluyang lumabas ng bahay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-start ng sasakyan niya hanggang sa unti-unti itong mawala sa pandinig ko.Nang tuluyan nang umalis si Tito Fred, kaming dalawa na lamang ni Tita Venus ang naiwan sa bahay. Tahimik pa rin ang paligid, maliban sa kalansing ng mga plato at kubye

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 2

    Troy Lance POVPagbaba ko sa first floor papunta sa hapagkainan, bigla akong napatigil nang makita ko ang isang babae na abala sa pag-aayos ng pagkain sa mesa. Siya ang babaeng nakita ko kanina, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siya nang malinaw. Parang saglit na tumigil ang mundo ko habang sinusubukan kong iproseso kung sino siya. Hindi ko maikakailang napakaganda niya. Mahaba ang buhok niya, matangkad, sexy at sobrang laki ng suso nito. Napalunok ako at bahagyang nag-iwas ng tingin nang mapansing papalapit na siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya. Marahil dahil nakita ko kanina yung kantutan nila ni Tito Fred. Naiilang ako at ngayon nakaharap ko na siya parang nabighani ako sa kagandahan niya.“Ito na ba ang pamangkin mo, Fred?” tanong niya habang nakatingin sa akin.“Oo,” sagot ni Tito Fred na kakalabas lamang mula sa kusina. “Si Troy.”Napatingin sa akin ang babae at ngumiti. “Ang pogi naman nito. Puwede itong mag-artista. Matangos ang ilong at Mata

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   Chapter 1

    Troy Lance POV UGHHH! UGHHH! UGHHH! FUCK ME HARDER!Naalimpungatan ako sa isang kakaibang ungol na bigla kong narinig sa aking kwarto. Napakunot-noo ako habang pilit na inaalam kung saan nanggagaling ang ingay. Hindi ko agad matukoy kung saan iyon nagmumula, pero sa pagkakarinig ko, parang nanggagaling ito sa first floor ng bahay. Ilang segundo akong nanatiling nakahiga habang nakikinig, umaasang baka tumigil din ang kakaibang ingay, pero muling umalingawngaw ang isang mahinang ungol ng babae. Mas malinaw na ngayon.Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Madilim pa sa loob dahil hindi ko pa binubuksan ang ilaw. Tanging kaunting liwanag lamang mula sa labas ang pumapasok sa pagitan ng mga kurtina. Bigla kong naalala ang sinabi ni Tito Fred kagabi nang makarating kami sa bahay niya. Dahil sa sobrang antok ko matapos ang mahabang biyahe mula sa amin papuntang Manila, hindi ko na nagawang libutin o tingnan nang mabuti ang bahay. Sinabi lang niya sa akin na sa second floor ang magiging kwar

  • Nagbabagang mga Halik ni Tita Venus   PROLOGUE

    Troy Lance POV“Mag-iingat ka doon sa Manila, ha,” Napalingon ako kay Tita Maricel habang hawak ko ang isang underwear na pilit kong ipinapasok sa loob ng luggage ko. Ilang beses ko na itong tiniklop, pero parang ayaw pa ring magsara ng maleta dahil sa dami ng gamit na pinilit kong isama. Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at muling inayos ang mga damit. Si Tita Maricel ang kapatid ng aking ina. Dito na ako sa kanila nakatira simula nang mawala ang mga magulang ko sampung taon na ang nakalipas. Sampung taon na rin mula nang mangyari ang aksidenteng tuluyang nagbago ng buhay ko.Hindi ko man lubos na naaalala ang lahat ng nangyari noong araw na iyon, alam kong malaki ang naging pagbabago sa buhay ko matapos silang mawala. Mabuti na lamang at nandiyan si Tita Maricel para tulungan ako. Dito ako nanirahan at nag-aral mula elementarya hanggang senior high school. Kahit hindi ko tunay na magulang si Tita Maricel, hindi niya kailanman ipinadama sa akin na mag-isa ako. Nangako rin sa a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status