YIESHA POVDere-deretso akong umuwi nang mansion at nang nasa labas na ako nang gate ay kaagad na napakunot ang noo ko nang makita ang makintab na BMW black sedan na nakaparl sa gilid ng bahay fountain namin.Halos atakehin ako sa puso nang mapagsino ang may-ari nang mamahaling at makintab na sasakyang iyon. Ni hindi ko na nga napansin pa na kanina pa pala nakabukas ang malaking gate sa harapan ko. Ipinasok ko ang aking sasakyan at tsaka inihinto sa tabi ng BMW. Bago lumabas ay isinigurado kong maayos at walang kahit ni anong dumi sa aking mukha. Nagawa ko pa ngang maglagay ulit ng press powder at lipstick bago tuluyang bumaba ng sasakyan.Pumasok ako sa loob ng mansion at ang unang bumungad sa akin sa sala ay sina mommy, daddy, lolo at ang panghuli ay si Ninong Luca. Kaagad akong napadahan dahan sa aking paglalakad nang makita ko silang lahat."What's all this? Bakit nandito kayong lahat? Mom, anong meron?" nagtatakang tanong ko at napalingon kay mommy.Sa tantiya ko ay mukhang mahal
Last Updated : 2026-10-14 Read more