OLIVER POV "Oo. Sa kanya nga. Mabuti at kilala mo naman pala siya," nakangiti kong anas. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Ang akala ko pa naman ay nagkamali kami nang hotel na pinuntahan. Nakakahiya sa mga bisitang kasama namin ngayon na naghihintay kung nagkataon. "So, kilala mo naman pala, Miss. Now, pwede niyo na ba kaming ihatid sa banquet hall at gutom na gutom na talaga kaming lahat," singit ni Lily na ikinasang-ayon ng lahat ng mga bisita. "Uhm," kiming anas nang receptionist na para bang nag-aalangan pa itong magsalita. "Ano pang tinutunganga mo diyan Miss?! Ibigay niyo na sa amin ang numero nang banquet hall at nang makakain na kaming lahat!" galit na anas ni Lily dito. "Pasensya na po, Ma'am. Pero kanselado na po kasi ang reservation na ibinook ni Miss Yiesha sa amin." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig at maging ang aking ina ay ganon rin. "Kanselado? Anong ibig mong sabihin na kanselado?! Pupunta ba kami dito kung alam naming lahat na kanselado ang recept
Last Updated : 2026-10-12 Read more