Biglang nagbago ang expression ni Damian. Nagtinginan sila ni Emma. "Ga- Gareom City???" nauutal na sabi ni Damian. Napansin agad ni Bem ang biglang pagbabago ng mood ng tatay niya. "Dad?" Umiwas ng tingin si Damian. "Okay ka lang po?" Pilit na ngumiti si Damian, pero halatang-halata ni Bem na may mali. "Hindi mo ba pwedeng pakiusapan na sa ibang branch ka na lang i-assign?" tanong niya. Napakunot-noo si Bem. "May problema ba dad?" "Malayo ang Gareom dito. Maninibago ka roon, at wala ka man lang kakilala o makakasama." "Dad, kaya ko 'to. Makakaraos din ako." Ngumiti si Bem para paamuhin ang ama. "Tsaka kasama ko naman si Grace doon." Natahimik lang si Damian. Kitang-kita ni Bem ang pag-aalala sa mga mata ng ama, pero hindi niya talaga maiintindihan kung saan iyon nanggagaling. Lumapit si Bem at niyakap ang ama. "Wag ka na mag-alala sa 'kin, Dad. Ito po talaga 'yung matagal ko nang pangarap." "Alam ko." Mahina lang ang boses niya. "Alam ko, a
Last Updated : 2026-10-13 Read more