Hindi ko alam kung alin ang mas nakakainis ang pagkakaroon ng dalawang ticket para sa Singapore na walang malinaw na dahilan, o ang paraan ng pagsagot ni Darius na para bang wala akong karapatang magtanong.Pagkatapos ng board meeting, isa-isa nang nagsilabasan ang mga miyembro. May ilan pang nag-uusap tungkol sa naantalang client meeting, samantalang ang iba ay abala sa kani-kanilang telepono.Ako naman, tahimik na inayos ang mga dokumentong nasa harapan ko.“Veronica.”Napatingin ako kay Darius.“Uuwi ka na ba?”“May kailangan pa akong tapusin sa opisina.”“Don't stay too late.”Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang lumabas ng conference room.Napangiti ako nang mapait.Kahit kailan, magaling siyang magkunwaring nag-aalala.Nang maisara ko ang folder, napansin kong wala na rin si Sebastian. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero may kakaibang pakiramdam akong hindi pa roon nagtatapos ang usapin tungkol sa Singapore.Kaya sa halip na bumalik agad sa opisina ko, dumaan muna ako
آخر تحديث : 2026-10-16 اقرأ المزيد