Hindi mapakali si Matthew Imperial.Alas-dose na ng hatinggabi, pero ilang beses na niyang tinatawagan si Arya Aragon. Walang sumasagot. Pati mga mensahe niya, hindi man lang nababasa.Matthew: Arya, nasaan ka na?Matthew: Tumawag ka sa akin kapag nakita mo ang message na ito.Matthew: Arya, please. Kahit sabihin mo lang na nakauwi ka na.Napahawak siya sa noo at tumingin sa relo. Hindi naman ugali ni Arya na tuluyang mawala nang walang pasabi. Kahit gaano ito ka-pasaway, kahit gaano ito kahilig mang-asar, palagi itong sumasagot—madalas nga, may kasamang nakakainis na biro.Pero ngayon, wala.“Anton,” tawag niya sa executive secretary niya sa telepono. “May balita ka na ba?”“Wala pa rin, Sir. Tinatawagan ko na rin ang mga kakilala niya. Hindi rin sumasagot si Arya.”“Puntahan natin ang bahay niya.”“Sir, alas-dose na po—”“Alam ko kung anong oras na, Anton.”Tumahimik ang kabilang linya.“I'm sorry,” dagdag ni Matthew, pilit na kinokontrol ang boses. “Hindi ko alam kung bakit ako kin
Last Updated : 2026-10-22 Read more