Sophisticated ang taste ng Mama ni Dominic. Kaya pagdating sa damit, alahas at bags, mas gusto nito ang eleganteng pula o burgundy kaysa sa sobrang matingkad na pink.“Limited edition po ang burgundy,” paliwanag ng store manager. “Kailangan pa po nating ipa-import. Three to five days ang delivery.”“Okay. Isama na rin natin ’yung scarf na ’yon,” sabi ni Amanda.Pagkaalis ng staff para ayusin ang order, palihim na sumulyap si Rizelle kay Dominic. Kanina, siya pa ang nagmungkahi ng pink na bag. Ngayon, ang legal na asawa nito ang bibigyan ng mas mahal at eksklusibong bersyon.Kumunot lamang ang noo ni Dominic, kaya agad nagkunwaring walang napansin si Rizelle.“Rizelle, nag-reply na ba boyfriend mo? Makakasama ba natin siya sa dinner?” tanong ni Amanda habang humihigop ng kape.“Wala pa. Baka busy.”“Maaga pa naman. Mag-ikot muna tayo. Baka may magustuhan ka.”Wala nang nagawa si Rizelle kundi sumunod.Sa sumunod na oras, magkatabing nag-shopping sina Amanda at Dominic habang tahimik na
최신 업데이트 : 2026-10-23 더 보기