Nang matapos maligo si Dominic, nakahiga na si Amanda at kunwaring tulog.“Babe, I love you. Good night.”Niyakap siya nito mula sa likod, saka marahang hinalikan ang pisngi niya.Napapikit si Amanda. Kung mahal mo ako, bakit nagawa mo akong lokohin?Tumalikod siya at tahimik na pinahid ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano matutulog sa tabi ng lalaking ilang oras pa lamang ang nakalipas ay nakita niyang may ibang babaeng minamahal.Kinabukasan, pasado ala-una na nang magising siya. Pagkababa niya, sinalubong siya ng kasambahay na naghanda ng lunch.“Ma’am, ipinagluto po kayo ni Sir ng soup. Kaninang umaga pa niya pinakukuluan. Tumawag pa siya para alamin kung gising na kayo.”Napatingin si Amanda sa mangkok.“Si Dominic ang nagluto?”“Opo. Sabi niya, mukhang pagod daw kayo nitong mga nakaraang araw.”Dahan-dahan niyang hinalo ang soup. Isa iyon sa mga pagkaing unang natutunang lutuin ni Dominic para sa kanya. Kahit abala ito sa trabaho, naaalala pa rin ni
Last Updated : 2026-10-23 Read more