[CJ]Dumating is teacher Fal na maraming dala at isa doon at basketball. Nilapitan ko siya at tinulungang bitbitin ang mga ito. "Cher, para sa akin ba yang bola?""Para sa kuya mo ito, para ma exercise ang tuhod niya. Mamaya sa game ninyo pahirapan mo, patakbuhin mo palagi." Natawa ako sa sinabi ni teacher Fal mukhang malaki ang inis nito kay kuya simula nang mapagkamalan niya itong may relasyon kay daddy. "CJ, doon sa may garden mo dalhin ang mga pinamili ko." Naguguluhan man ay sinunod ko na lang siya. Ang mga sumunod na sandali ay naging busy na kami sa aming pag-aaral dahil malapit na din ang exam."Kumain na kayo, nakahanda na ang pagkain." Tawag sa amin ni nanay Iseng na siyang nagluluto pero tinulungan ito ni Queen at Third sa paghihiwa ng mga pang sahog."Pagkatapos ninyong kumain, imbis na matulog ay dumeretso kayo sa garden." Napatingin ako kay teacher Fal at kinindanan niya ako. "Cess at Rence sali din kayo may task akong ipapagawa sa inyong lahat.""Pati ako?" Tanong ni ki
Last Updated : 2026-10-28 Read more