Tumatagos ang matalas na tingin ng isang trenta y singko anyos na si Thaddeus Montero sa 19 years old na si Caroline, anak ito ni Henry Paige, ang nagmamay-ari ng tatlong palapag na bahay, kung saan siya kinuha upang tagatabas ng damo.Sa katunayan, hindi isang parmenteng trabahante si Thaddeus doon, tagatabas lamang ng damuhan sa isa hanggang dalawang beses sa isang linggo. Nakuha siya ng ama ni Caroline sa isang house cleaning services company. Madalas napapansin ni Thaddeus ang sarili na sumusulyap sa dalagang kumportableng nakahiga sa likod-bahay, malapit sa lawa ang bahay at napapaligiran ito ng malago at luntiang halaman.“Kumusta, Miss…”Bati ni Thaddeus sa dalaga habang papalapit siya, dala ang isang mabigat na grass trimmer na nakasabit sa kanyang malapad at maskuladong balikat. Balak sana niyang tabasan ang mga damo sa gilid ng lawa, nang hindi inaasahang naroon pala si Caroline, nakahiga at nagbabasa ng libro.Anong klaseng pagkakataon naman ito…“Kumusta, Uncle Thaddeus. N
Last Updated : 2026-10-30 Read more