Habang tulala akong iniisip kung paano ako makakaipon ng malaking pera, napabuntong-hininga ako nang malalim. Thursday na ngayon, tapos sa Sabado na nila kailangan ang pera. Two days. Dalawang araw na lang!“Haynako, Zara. Talagang pinaninindigan mo ang pagiging selfless mo. Anyway, pwede ka namang mag-loan muna or maghanap ng pwedeng utangan para maibigay mo agad 'yung pera. Tapos, para mabayaran mo, itrabaho mo na lang,” suggest ni Ate Ros, sabay kibit-balikat na para bang napakasimple lang ng solusyon niya.Parang biglang may umilaw na light bulb sa ibabaw ng ulo ko nang marinig ang suggestion niya. Napangiti ako nang napakalawak, halos magmukha na akong baliw sa sobrang tuwa.Dahil doon, sinapak niya ako nang marahan sa noo.“Anong klaseng tingin 'yan sa akin? Para kang nakakita ng aswang na may nabuntis na papapakin!” reklamo niya, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.Napatawa ako at nag-akmang lalayo sa kanya habang ganoon din ang ginawa niya. Pareho kaming nagtawanan.N
Last Updated : 2026-11-02 Read more