KATRIANA POVLimang taon akong nagpapakahirap sa Middle East bilang domestic helper, tinitiis ang homesickness, ang libu-libong segundong pagpupunas ng alikabok sa malaking mansyon, at ang pambubuska ng mga amo ko. Pero okay lang. Ang sabi ko sa sarili ko, para naman ito sa kinabukasan namin ni Jethro.Lahat ng sahod ko, halos kalahati ay diretsong pinapadala ko rito sa Pilipinas. Para raw sa pagpapatayo ng bahay namin at sa savings para sa kasal namin pag-uwi ko. Si Jethro ang nag-aasikaso ng mga papeles ng lupa, siya ang nagbanta sa aking huwag na raw magpadala ng sobrang liit dahil may pangarap kami. At ako naman, naniniwala. Tanga na kung tanga, pero minahal ko siya.Ngayon, nakatayo ako sa labas ng pintuan ng isang kilalang bar at hotel sa Boracay. Sakit ng katawan ko sa jetlag, pero mas masakit ang nalaman ko kanina.“Babe, nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito sa room. Si Sofia, tulog na kasi napagod kakatakbo sa mall kanina,” boses ni Jethro sa tawag kaninang alas-siyet
Última actualización : 2026-11-05 Leer más