The Woman I BuiltMatagal kong tinitigan ang mensahe ni Mateo bago ko tuluyang pinatay ang screen ng cellphone ko.Can we talk tomorrow? I miss you. I don't want to lose you.Dati, sapat na ang ganoong mensahe para mawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano sasagutin ang isang taong mahal ko pa rin, pero hindi ko na kayang pagkatiwalaan nang buo.At mas masakit aminin na habang iniisip ko si Mateo, si Joaquin ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.Pero kahit wala siya, naroon pa rin ang alaala ng halik namin.Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Kailangan kong magtrabaho. Sa harap ng mga plano, floor layouts, at design proposals, mas madali sanang magpanggap na maayos ang lahat.Ako si Solana Reyes, twenty-seven years old, architect, at may-ari ng sarili kong architectural firm. Hindi basta ibinigay sa akin ang puwesto ko. Pinaghirapan ko iyon.Parehong abogado ang mga magulang ko. Sila ang nagtatag at nagpalago ng sarili nilang law firm. I grew
Terakhir Diperbarui : 2026-11-12 Baca selengkapnya