MY LOVER’S TWIN, MY FORBIDDEN SIN

MY LOVER’S TWIN, MY FORBIDDEN SIN

last updateDernière mise à jour : 2026-11-12
Par:  Fille AgathaMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
11Chapitres
8Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Two brothers. One woman. One forbidden desire that could destroy everything. Akala ni Solana Reyes, natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Kay Mateo Madrigal niya nakita ang pagmamahal na matagal na niyang hinahanap—the kind of love that made her believe in forever. He was caring, loyal, and always ready to give her the world. Sa piling nito, panatag siyang harapin ang kinabukasan, dahil naniniwala siyang wala nang hihigit pa sa pagmamahal na mayroon sila. Until Joaquin Madrigal came into her life. Mateo’s identical twin brother. Sa unang pagkikita pa lang, alam na ni Solana na dapat siyang mag-ingat kay Joaquin. He was charming, mysterious, and dangerously hard to ignore. But the more she tried to stay away, the harder it became to ignore what she felt. Hindi niya maintindihan kung kailan nagsimulang magbago ang lahat. Ang mga simpleng pag-uusap nila ay unti-unting nagiging mga sandaling ayaw na niyang matapos. Every lingering glance made her heart race, and every accidental touch awakened a desire she knew she had no right to feel. Joaquin was forbidden. Now, Solana finds herself caught between the love she has always known and a desire she never expected. Sa pagitan ng katapatan at tukso, kailangan niyang harapin ang katotohanang hindi lahat ng nararamdaman ay dapat sundin—and not every love story has a happy ending. But what happens when the heart refuses to follow the rules? Will she choose the man who gave her a promise of forever, or risk everything for the man she was never supposed to want? At kapag nabunyag ang lihim na matagal niyang pilit itinatago, will love be enough to mend the hearts she might break?

Voir plus

Chapitre 1

CHAPTER 1

The Wrong Twin

Maaga pa lang, hindi na maalis ang ngiti ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Ilang beses kong inayos ang buhok ko bago kinuha ang maliit na bag na may lamang regalo para kay Mateo.

Today is our first anniversary.

Isang taon na kaming magkarelasyon ni Mateo, at masasabi kong naging masaya ako sa buong taon na iyon, kapiling siya. Hindi man siya palaging vocal sa nararamdaman niya, pero ramdam ko naman sa mga actions niya kung gaano niya ako kamahal.

Kaya ngayong espesyal na araw namin, gusto kong gumawa ng isang bagay na pareho naming maaalala. Isang magandang alaala.

Matagal ko ng pinag-iisipan ang desisyon kong ibigay sa kanya ang sarili ko sa unang pagkakataon. Hindi dahil kailangan kong patunayan ang pagmamahal ko, kundi dahil mahal ko siya at handa na akong dalhin sa next level ang relasyon namin.

And I trusted Mateo with all my heart.

Hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako sa penthouse niya. Gusto ko siyang sorpresahin at makita ang reaction niya kapag bigla akong sumulpot sa harapan niya.

Pagdating ko sa building, agad akong dumiretso sa elevator. At habang paakyat, hindi ko maiwasang kabahan. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Paano kung wala siya? O kaya naman, paano kung hindi niya magustuhan ang sorpresa ko?

I laughed at myself.

Solana, Relax. Boyfriend mo 'yon.

Nang magbukas ang elevator, agad akong nagtungo sa unit niya. Familiar na ako sa lugar, kaya hindi na ako nag-atubiling gamitin ang susi na ibinigay niya sa akin.

Pagpasok ko, tahimik ang buong penthouse.

“Mateo?” tawag ko habang inilalapag ang bag ko sa mesa.

Walang sumagot.

Napatingin ako sa hallway nang marinig ko ang tunog ng umaagos na tubig mula sa banyo. Napangiti ako.

He's taking a shower.

Perfect timing.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. At habang papalapit, mas lumalakas ang tunog ng tubig. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano siya magugulat kapag nakita niya ako sa harapan niya.

“Happy anniversary, baby,” bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ang ngiti ko.

Ang cheesy, pero wala akong pakialam. Gusto kong maging espesyal ang araw na iyon para sa aming dalawa.

Pagdating sa p***o ng banyo, napansin kong bahagya itong nakabukas. May steam na lumalabas mula sa loob, kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Hinubad ko agad ang damit ko at iniwan iyon sa malapit na upuan bago tuluyang pumasok sa loob.

Mainit ang hangin sa loob, at natatakpan ng manipis na singaw ng init ang salamin. Sa ilalim ng shower, may isang lalaking nakatalikod sa akin.

Si Mateo.

Kahit likod pa lang ang nakikita ko, hindi ako nagduda. Kilala ko ang tindig niya at ang lapad ng mga balikat niya. Sa isip ko, wala nang ibang posibleng tao roon kundi ang boyfriend ko.

Kaya lumapit ako nang tahimik.

I wrapped my arms around his waist and pressed myself against his back.

“Happy anniversary, baby.”

Bago pa siya makapagsalita, hinalikan ko na agad siya.

For a moment, he went completely still.

Napansin ko ang pagtigil niya, pero inisip kong nagulat lang siya.

Bahagya siyang humarap sa akin, at muli ko siyang hinalikan.

Hindi ko napansin ang gulat sa mukha niya. Hindi ko rin nabigyang-pansin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

“Baby…” mahina niyang sambit.

I smiled. “Hmm?”

Parang may gusto siyang sabihin, pero dahil sa lubos na excitement ko, hindi ko na hinintay na magpatuloy siya. Hinalikan ko siya ulit, kumbinsidong pareho kami ng iniisip.

Mahal ko si Mateo. Siya ang lalaking pinagkakatiwalaan ko, at siya ang taong gusto kong makasama sa unang pagkakataong pinili kong ibigay ang sarili ko.

Kaya hindi ko naisip na may mali.

Hindi ko alam na ang lalaking niyayakap ko ay si Joaquin Madrigal—ang identical twin brother ng boyfriend ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal bago kami tuluyang naghiwalay. Nang matapos ang lahat, napasandal ako sa dingding, at sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.

“Wait here,” sabi niya bago lumabas ng banyo.

Hindi ko na siya masyadong pinansin. Pagod ako, pero mas nangingibabaw ang saya sa dibdib ko.

I had finally taken that step with the man I love.

At least, iyon ang paniniwala ko.

Nagtagal pa ako sa shower bago nagbihis. Habang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, hindi ko mapigilang ngumiti.

I did it.

First time ko iyon, at kahit kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa relasyon namin, wala akong pinagsisisihan. Mahal ko si Mateo, at iyon ang mahalaga sa akin.

Paglabas ko ng banyo, napansin kong wala na siya.

“Mateo?” tawag ko.

Walang sumagot.

Napakunot-noo ako, pero inisip kong baka nasa bedroom lang siya o may kinuha sa ibang parte ng penthouse. Kinuha ko ang bag ko at umupo sa sofa habang hinihintay siyang bumalik.

Ilang minuto lang ang lumipas nang bumukas ang main door.

“Solana?”

Napalingon ako agad.

Nakatayo sa may pintuan si Mateo, hawak ang susi ng sasakyan at halatang nagulat nang makita ako.

“Baby!” Masaya akong tumayo at sinalubong siya.

He laughed softly when I wrapped my arms around him. “What are you doing here? You should've told me you were coming.”

“Surprise!” sabi ko bago siya hinalikan sa pisngi.

Niyakap niya ako pabalik. “Gaano ka na katagal dito?”

“Not that long.” Ngumiti ako. “Where were you?”

“Lumabas lang saglit.” Inangat niya ang hawak na susi. “I took my brother's car for a test drive. Nasa garage lang naman siya, pero gusto kong subukan.”

Napahinto ako. Lumakas ang kabog sa dibdib ko.

“Your brother?”

Mateo glanced at me, then nodded as if it were the most ordinary thing in the world.

“Yeah. My twin brother. Joaquin.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“Twin… brother?”

“Didn't I tell you?” Bahagya siyang napakunot-noo. “He's been in America for years, handling our family's main company there. Ako naman ang nagma-manage ng branch dito sa Philippines. He came back recently, kaya nandito siya ngayon.”

Hindi ako makapagsalita.

Twin brother.

America.

Unti-unting bumalik sa isip ko ang mukha ng lalaking kasama ko kanina. Ang boses niya. Ang mga mata niya. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin bago siya umalis ng banyo.

I stared at Mateo, desperately searching for any difference between him and the man I had just been with.

But there was none.

“What's wrong?” tanong niya nang mapansin ang pamumutla ko.

Umiling ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

“Nothing,” mahina kong sagot.

Pero hindi iyon totoo.

Hindi puwedeng totoo.

The man I had kissed, the man I had trusted with my first time, wasn't my boyfriend.

It was his brother.

At sa isang iglap, nawala ang lahat ng saya na naramdaman ko kaninang umaga.

Ang anniversary na pinangarap kong maging pinakamasayang araw ng buhay ko ay naging araw na hinding-hindi ko na gugustuhing maalala.

I gave my first time to the wrong twin.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
11
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status