Nagulat ako nang pagpasok namin ni Ezione sa company niya ay naging aligaga ang mga tao at kanya-kanyang iwas sa kanya. Ang iba naman ay yumuyuko at bumabati sa amin."Zion, parang takot yata sila sa atin," mahinang bulong ko habang naglalakad."Tsk, let them."Ang laki ng kompanya niya at ang taas ng palapag. Papunta kaming 58th floor ngayon dahil doon ang opisina niya. Nakasakay naman kami sa pribadong elevator.Nagtaka pa ako kanina dahil walang sumabay sa aming dalawa, 'yun pala ay para lang kay Ezione ang elevator na 'yun."Good morning, Boss. Good morning, Miss," magalang na bati ni Blake sa labas ng elevator.Nang ilibot ko ang paningin ko, ay tatlo lang ang silid sa buong floor. Parang hinati lang sa tatlo kaya sigurado akong malaki ang bawat silid. Glass wall ang dalawang silid samantalang ang isa ay hindi makita ang loob."Walang ibang opisina dito, Miss. Kay boss lang saka 'yung akin, ang isa naman ay conference room."Tumango-tango naman ako saka sumunod sa kanila. Pumasok
Terakhir Diperbarui : 2026-11-16 Baca selengkapnya