Kyla Jade's POV "Get out!" Bahagya akong napatalon nang marinig ko ang sigaw ni Sir Ezione galing sa opisina niya. "Ate Fe, anong nangyari?" Nagmamadali kasi itong bumaba at tila naiiyak. "Naglinis kasi ako ng opisina niya, Ky. Nong hindi niya makita ang folder na hinahanap niya, bigla s'yang nagalit." "Hayaan mo na ate. Parang 'di ka naman sanay sa ugali ng amo natin." Ang aga-aga wala na naman sa mood si Sir Ezione, akala mo talaga hindi siya nagpa-advice sa'kin kagabi. "Eh kasi naman, nakakatakot siya magalit. S'ya nga pala, nasabi niya kanina na ikaw nalang daw ang maghatid ng kape sa opisina niya." Napahawak naman ako sa dibdib ko. "Ako? Bakit ako? Iba nalang, Ate Fe. Baka mas lalo s'yang magalit, hindi pa naman niya bet nag humor ko." "Sige na, Kyla. 'Yun ang sinabi niya. 'Wag ka nalang dumaldal sa kanya." Napipilitang pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape. Ano na naman kayang trip ni Sir Ezione at sa dami ng mga maid dito ako pa talaga ang naisipan n'yang ma
Last Updated : 2026-11-08 Read more