Agad na umalis si Jano upang asikasuhin ang utos ng kanyang amo. Naiwan naman sina Christian at Venus sa hallway. Ilang sandali silang nagkatinginan bago muling nagsalita ang babae."Christian...""What?""What if they come after me again?"Tinitigan siya ni Christian. "They won't get near you. I'll make sure of that."Gusto ni Venus na maniwala sa sinabi nito, pero hindi ganoon kadaling alisin ang takot na nararamdaman niya. Ilang oras lamang ang nakalipas, normal ang araw niya sa palengke. Ngayon, hindi na niya alam kung ligtas pa ba siyang makakabalik sa dati niyang buhay."I just want my normal life back," mahina niyang sabi.Hindi agad nakasagot si Christian. Naiintindihan niyang hindi madaling tanggapin ang lahat ng nangyari, kaya sa halip na dagdagan pa ang iniisip nito, itinuro na lamang niya ang silid na gagamitin niya."You need to rest first. We'll figure everything out tomorrow."Tahimik na sumunod si Venus. Pagod na pagod na siya, at ang tanging gusto niya ngayo
Last Updated : 2026-11-17 Read more