Samantala, dumating na si Venus sa palengke. Abala na ang mga tindero at mamimili. May mga nag-aayos ng paninda, may naglalatag ng mga prutas, at may mga nagmamadaling bumili bago pumasok sa trabaho.“Good morning, Venus!” bati ni Aling Nena nang makita siya.“Good morning po!”Agad niyang inayos ang mga gulay sa kaniyang puwesto. Inilabas niya ang mga kamatis, talong, sitaw, at pechay na binili niya mula sa supplier. Maingat niyang inayos ang bawat isa para magmukhang sariwa at kaakit-akit sa mga mamimili.Ilang minuto pa lamang ang lumipas nang may lumapit na isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit. Nakataas ang noo nito habang sinusuri ang mga paninda.“Magkano ang kilo ng kamatis?” tanong nito.“Sixty pesos po, Ma'am.”“Ang mahal naman. Sa kabilang puwesto, mas mura.”“Fresh po kasi ang mga ito, Ma'am. Bagong dating lang po ngayong umaga.”Napatingin ang babae sa kaniya. “Are you telling me na hindi fresh ang paninda ng iba?”“Hindi po. I mean, bagong dating lang po talaga ang
Huling Na-update : 2026-11-09 Magbasa pa