Zenjiro POVNakatapos ako ng isang limang episode ng anime na pinapanuod ko. Kaya lang, napansin kong malapit nang magtanghalian. Alas-dose na ng tanghali nun nang maisipan kong lumabas ng kuwarto para maghanda ng pagkain.May naisip din akong paraan para makaganti kay Soleia. Napangisi ako habang bumabangon sa kama. Kung tutuusin, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kaninang umaga. Dahil sa niluto niyang munggo, napaiyak ako sa loob ng kuwarto ko. Hindi naman niya kasalanan na naalala ko ang mom ko, pero hindi ko rin mapigilang isipin na kung hindi niya niluto ang paborito kong pagkain, hindi sana ako naging emosyonal nang ganoon.Kaya ngayon, ako naman ang gaganti.Pagdating ko sa kusina, agad kong inilabas ang mga sangkap na kailangan ko. May kalabasa, sitaw, talong, okra, at iba pang gulay. Pero ang pinaka-espesyal sa lahat ay ang mga seafood na binili ko kahapon.May hipon, pusit, at ilang pirasong alimango.“Ayos na ito,” bulong ko. Pero hind
Terakhir Diperbarui : 2026-11-14 Baca selengkapnya