Soleia POVHindi na kami nagtagal sa tapat ng bahay nila Cayline. Pagkatapos niyang magpalit ng damit at kumuha ng kaunting pera, sabay na kaming naglakad papunta sa dulo ng Rosewood Street.Habang naglalakad kami, hindi kami nauubusan ng kuwento.“Alam mo, miss na miss ko talaga ‘tong lugar na ‘to,” sabi ko habang naglalakad.“At ako rin, miss na miss kita! Kaya nga nagulat ako kanina nang makita kita sa labas ng bahay namin. Akala ko kung sino na naman ang tumatawag sa gate.”“Grabe ka naman. Hindi mo ba ako nakilala?”“Eh, matagal na kitang hindi nakikita! Baka naman may bagong mukha ka na.”“Ang OA mo talaga kahit hanggang ngayon!”Pagdating namin sa dulo ng Rosewood Street, napahinto ako nang makita ang mga bagong kainan sa lugar.“Wow! Ang dami na palang tindahan dito!”May ihawan sa gilid, fishball-an sa kabilang puwesto, milktea-han, at ilang maliliit na kainan na may mga plastik na lamesa at upuan. May nagtitinda rin ng kwek-kwek, kikiam, squid ball, at iba pang street foods.
Terakhir Diperbarui : 2026-11-15 Baca selengkapnya